Nowhere

48 2 1
                                        

Isang malakas na katok mula sa pinto ang umagaw sa atensyon ni Weeru

Tumayo siya at agad na pinag buksan ang pinto ang bisita

Ngingiti pa lamang siya ng makitang pagod at naliligo sa sariling pawis si Shun

"Bakit Shun?,may nangyari ba?"nag alala na tanong ni Weeru

"Sumunod ka"
Sabay hila sa kanya

Mapatakbo na din siya dahil tumatakbo na si Shun

"Shun!ano bang nangyayari?may panganib ba?"

"Oo , kailangan na nating umalis!may mga halimaw na nakapasok sa ating lugar.May mga nasugod na at ilang mga namatay ."

Kinabahan si Weeru

"Si Lex,nasaan siya.?kasama pa ba siya ni Felo?"

"Hindi pa sila nakakabalik mula ng umalis sila ng umaga,pero siguradong may mag sasabi na don.Importante madala kita sa ligtas na lugar"

Hindi na nakasagot pa si Weeru.
Palabas na sila ng kanilang munting bayan ng may isang halimaw  ang nakatalikod sa kanila ,nakaharang ito sa kanilang dadaanan.

Hinila siya ni Shun patago sa matataas na damo.

Lalong kinabahan si Shun,ayaw niyang mawalan ng pag asa.Siguradong may paraan.

Pumikit si Weeru,may binulong sa hangin

"Mga kaibigan, kailangan ko ng tulong niyo"
Sa ginawa niyang pag bulong,biglang dumami ang mga insekto.

Lumabas silang lahat sa damo

"Kaibigan,pwede niyo bang lituhin ang halimaw na  nasa dadaanan namin"
Dagdag pang bulong  ni Weeru

Isang mabilis na pagkilos ang ginawa ng mga insekto ,napaka dami nilang sumugod sa pwesto ng halimaw.Maging ang  mga bubuyog at ibon ay tumulong.

Naging resulta ito ng pag takbo ng halimaw habang patuloy na umuungol dahil na din sa napupuntirya siyang kagatin ng Iba't-ibang klase ng insekto at hayop na hindi inakalang matatawag ni Weeru.

Parehas na nagkatinginan  ang dalawa ng matapos na masaksihan nina Weeru at Shun ang pangyayari.

Si Shun, matapos ang lahat ng makitang nakakakilabot at nakakaawang pangyayari sa halimaw ,doon lamang tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa matinding kilabot.
Dahil kahit lupang mga insekto ay nakitulong  din.

Napayakap pa si shun sa sarili dahil sa kilabot

"Ayos ka lang?"natanong ni Weeru sa kasamahan

Namumutla din kasi si Shun

"O-oo ayos lang."

Tumayo na ito kahit nanghihina ang tuhod sa nakita.

"Wala na Ang insekto at ang mga halimaw.Tara na tumakbo na ulit tayo"
Si Shun

"Hmm!"sangayon ni Weeru

Tumakbo na nga sila hanggang sa napadpad sila sa isang gubat na hindi na din na kilala ni Shun.

Hapung-hapo na napayuko si Shun habang hawak ang tuhod sa pagod

"Shun,nasaan tayo?"
Tanong ni Weeru

Tumingin naman sa paligid si Shun,kasabay nang panlalaki ng mata at napahawak sa kanyang ulo

"Nasaan na tayo?,Hala!."dahil sa taranta at takot na pag nanais na makalayo sa mga halimaw naligaw sila tumakbo ng tumakbo ng walang kasiguradohang direksyon.

Kaya bago pa man mag ingay si Shun,nag salita na si Weeru

"Umupo ka muna, siguradong mahahanap natin ang  daan.Importante naman nakalayo tayo eh..dito muna tayo mag palipas ng ilang oras tapos hanapin natin ang pamilyar na daan.
Siguradong aalis na din ang mga halimaw na yon makalipas ang mga oras ."

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon