Isang linggo ang lumipas,ng makatanggap ng balita si Eucen
Isang liham mula sa kaharian na dala dala naman ni Prinsipe Casper
"Nasaan si Aida?"Tanong ni Casper habang binabasa ni Eucen ang laman ng liham
Ibinaba niya ang liham at tumingin kay Casper
"Kong plano mo na namang inisin ang panauhin..mas maganda kong umalis ka na at bumalik sa palasyo, kamahalan"
Nakangiting sabi ni Eucen
"Syempre hindi,nais ko lamang siyang kamustahin at kausapin."
May dala pa itong isang sisidlan na hawak sa kanyang tagiliran.
Napa-angat nag isang kilay ni Eucen .
Napapailing na lamang ito at binalik sa liham ang tingin
"Puntahan mo siya sa kusina.Nandon siya nag aaral mag luto kasama ang mga taga pag luto..
At Isa lang pakiusap ko,dahil nasa pangangalaga ko sila ,huwag na huwag kang gagawa ng kagulohan ."nakangiti parin ito habang nakapikit ang mga mata.
Alam na alam ni Casper ang ipinahihiwatig ng mga ngiti nito.
Dahil ang kanyang pag ngiti ay Isang kabaliktaran ng kanyang pinakikitang emosyon
"Wala akong gagawin ikakagulo.At Isa pa,dapat akong magpakabait sa harap ni Aida,ng sa ganon magustohan niya ako,hindi ba?."
"Hmm"nakangiti parin itong tugon
"Maiwan na kita dito, pupuntahan ko na siya"
Umalis na si Casper sa loob ng silid na kinaroroonan nila ni Eucen
Tumungo siya sa sinasabi ni Eucen na kusina,..ng siya ay nasa labas pa lamang ng pinto,dinig na dinig ang kalabog ng mga kagamitan.
Nag iingay din.
"Binibini Aida, pakiusap bumaba ka na dyan,hindi ganyan ang tamang pag kuha."
"Ano ba kayo? masyado kayong matatakotin,namuhay ako sa gubat ng matagal na panahon.Kahit matataas na kahoy at bundok kaya kong akyatin."
Nabahala naman si Casper sa narinig ng sumigaw ang Ilan sa loob ng kusina
"Anong nangyayari?"hinanap niya ng kanyang mga mata kong saan nag iingay.
Nakita niya sa tapat ng bintana ng kusina nag titipon ang anim na kababaehan nakatingin sila sa labas kong saan may puno malaki na katapat lang din ng bintana.
Wala don si Aida kaya nagsalubong ang kilay ni Casper
Mabilis siyang lumapit at binigyan naman siya ng daan ng mga babae.pag silip niya sa bintana nanlaki ang mata niya ng makitang nandon sa tuktok ng puno si Aida.
At may inaabot ito sa maliit na sanga
"Aida !Anong ginagawa mo ?bumaba ka dyan"kinakabahan na sigaw niya
"Casper?"tugon nito at tumingin sa baba kong saan naka pwesto si Casper
Kasalukoyang gumalaw ang kinaroroonan ni Aida sa ginawa nitong pagtingin sa baba
Lalong kinabahan ang mga kasamahan na nasa bintana lalo na si Casper
"Ako ka ba,bumaba ka dyan!, delikado ang pwesto mo oh,ang liit ng sanga"sigaw parin ni Casper
"Ano,may kukunin lang ako,sandali lang
kaunti nalang bababa na ako"
Tugon ni Aida at nagpatuloy naman sa pag abot
"Ako nalang kukuha , bumaba ka na dyan."
Pigil parin ni Casper
Pero imbis na pansinin siya nito may umakyat pa si Aida
Nabahala naman ang lahat ng makita na unti-unting bumababa ang sanga na inaapakan ni Aida.
Ang mga kababaehan ay napa singhap at napataklob ng mga bibig.
Sila ang kinakabahan sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
