Dalawang grupo ang humahabol at nag hahanap sa kinaroroonan ni Weeru.
Ang unang grupo ay grupo na kinabibilangan ni Aliso at ang pangalawa ay Ang grupo ng Alpha King.
Ginalugad nila ang bawat parte ng gubat upang makahanap ng makakapag turo sa kinaroroonan ni Weeru.
Nawawala na sa sarili ang hari sa pag hahanap ,nabubulag na siya sa kagustohang mapasakamay ang kanyang mate.
Walang magawa ang beta kung hindi ang habulin ang kanilang hari sa pag hahanap ,kasama niya ang mga ilang kawal .
Batid nilang nawawala na ito sa sarili at mas nangingibabaw ang kanyang halimaw.
Ngunit hindi nila ito pwedeng pabayaan.Tungkolin nilang samahan ito at tulungan sa ano mang nais nitong gawin.
Hindi makita ng pangkaranawing mga mata ang taglay nilang bilis.Bawat madaanang parte ng gubat ay tila ba may mabilis na hangin lamang ang nadaan.
Nahinto lamang ang kanilang pagtakbo na mismo ang hari ang huminto sa pagkilos
Tumingala ito at inamoy ang hangin..
Maya maya pa ay Isang malawak na ngiti ang nakapaskil sa kanyang mga labi.
Naamoy niya sa hangin ang mabangong halimuyak ng kanyang mate..
Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan ang pagkasabik na makaharap ang mate niya.
Maraming mga senaryo ang pumasok sa malikot niyang isipan.Kung paano niya ito hahawakan o kung paano niya ito yayakapin sa kanyang bisig.
Halos tumalon ang kanyang puso sa saya.
Pero nawala ang emahinasyong ginawa ng kanyang isipan ng isang sigaw ang kanyang narinig.
Wala siyang sinayang na oras ,tumakbo siya sa direksyon ng sigaw.
Malayo ito pero alam niya na kaya niya itong maabot sa mabilis na minuto.
Binigay niya ang kanyang buong bilis upang makarating.
May bangin na dadaanan pero hindi ito naging hadlang para sa kanya.Walang katakot takot na tinalon niya ito upang lumiban sa kabilang parte ng bangin.
Umihip ang hangin mas naging malinaw ang scent,malapit na ito sa kanya .Parang masarap na pagkaing nag hihintay sa kanya upang angkinin.
.....
"Lex!!!!!.."sigaw ni Weeru ng bumagsak si Lexus.
Hindi siya nakasama sa pagbagsak dahil ilang minuto pa man ang nangyari ng nagpababa na siya .
Ayaw pa sana nitong ibaba siya ,subalit nag pumilit si Weeru .
Kakaiba na ang galaw ni Lexus.Tila may dinaramdam.
Pero ng minuto na ang lumipas bumagsak ito sa likuran niya.
"Lex! gumising ka....Anong nangyayari?"
Nag alala si Weeru,Dahil agad na wala na itong malay...
Hinawakan niya ang mukha nito at nilapit sa kanya.Inihaga ang ulo sa kanyang mga maliliit na hita.
"Lex, pakiusap gumising ka..hindi kita kanyang buhatin."
Pero wala itong tugon.
Dali-daling kinuha niya ang sisidlan ng mga gamot.Pinakiramdaman niya si Lex gamit ang kanyang palad.Mainit ito at namumutla.
Napasinghap si Weeru
"Hala!,nahawa ka yata sa akin kagabi."
Pinili niya ang gamot upang pababain ang init ng katawan ni Lexus.
"Bakit ngayon pa,malapit na tayo makauwi eh."
Tumingin siya sa paligid,.
"Tulong!tulungan niyo kami."
Sigaw niya
Umaasang may makakarinig sa kanya.
May ilang mga ibon siyang nakita.
"Kaibigan, naririnig niyo ako hindi ba.Pwede bang tulungan niyo ako.?"
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
