Lahat silang grupo ni Aliso ay pinapasok sa pack house.
Si Aliso nakamasid sa paligid, nararamdaman niya ang Isang malakas ng presensya na nag mumula sa alpha na kaharap nila ito ay tulad sa mga alphang nakaharap nila sa mga bawat pack.
Pinapanood niya kung paano buksan at basahin ng alpha ang liham.
"Tunay ngang mula kayo sa palasyo.Ngayon anong pakay niyo ?"tanong ng alpha
"Hinahanap namin ang aming kaibigan.Ilang pack na din ang aming napuntahan at walang nakapag turo kung saan siya naroroon.Nagbakasakali kami sa bawat lugar."Davon
"Isang kaibigan?,Anong pagkakakilanlan niya?"
"Ang pangalan niya ay Si Weeru ,isang batang lalaki."
Napahawak naman sa baba ang alpha.
"May mahaba at puting buhok?"
Aniya ng alpha
Tumango naman si Davon at Aliso
Huminga ng malalim ang alpha at tumingin muli sa kanila
"Pasalamat kayo,mula kayo sa palasyo.
Oo nandito nga siya.Ipapahatid ko kayo sa kinaroroonan niya"
Agad na natuwa si Davon at ang lahat ng mga kasamahan.
Ito na yata ang pinaka magandang balita na natanggap nila sa mga nag daang buwan
"Dalhin sila sa silid nina Weeru"utos ng alpha sa isang pack warrior
Narinig naman nila itong lahat
Tumango ito at nagbigay pugay sa alpha
"Maraming salamat alpha,tatanawin namin itong utang na loob sa inyo"sabi ni Davon at yumuko sa harap ng alpha bago pa man sila umalis sa harap niyo
Tumango lamang biglang pag tugon ang alpha
"Ang saya,magkikita na ulit kami"
Aida na makikita sa mukha ang kasiyahan
"Ilang beses ko narin iniisip kung kamusta na kaya sina Eucen ngayon?"banggit nila ni Rad
"Ay naku pinaalala mo pa talaga"Aida na nakasimangot
"Hindi ito ang oras para dyan,maghanda kayo at makakaharap na muli natin si Weeru"Lazella
Kinakabahan kasi sya kahit hindi niya alam kung para saan
"Lazella,pinunong Weeru ang pagtawag sa kaniya,magpakita ka ng respeto sa kanya.Isang kabastosan ang tawagin siya lamang sa kanyang pangalan"
"Pasensya na,Davon..hindi ko kasi maalala ang lahat ,pero Lagi ko ng tatandaan ang sinabi mo."
Tugon ni Lazella
Marami silang nadaan matapos makalabas ng pack house,may mga bumati sa kanila at lahat mga ay nakatingin , pinapanood sila.
Higit na nauunawaan nila kung bakit ganon na lamang makatingin ang mga ito
Pumasok sila sa isang maliit na bakod na gawa sa kahoy,maliit ang daan at napaka simple ng itsura bukod don napakayabong ng mga tanim at masagana
Kasunod ng taniman,nandon ang Isang Bahay na gawa sa kahoy .Malinis at maaliwalas pagmasdan.
Huminto ang naghatid sa kanila sa tapat ng pinto ,kumatok ito ng marahan at nagsalita
"Shun? Weeru may nag hahanap sa inyo"
Pahayag nito matapos kumatok
Nakarinig sila mula sa loob ng pagkilos mula sa loob . Kasunod niyo Ang pagbukas ng kahoy na pinto.
Kahit hindi sa sabihin , kinakabahan ang bawat isa sa kanila.
Marahan na binuksan ni Shun ang pinto.
"Bakit?ano yon"tanong ni Shun sa pack warrior
"May nag hahanap sa inyo"
BINABASA MO ANG
TAMER
Hombres Lobo"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
