"hindi parin ako makapaniwala sa nangyari ??"nakapangalumbabang
Hindi na napigilan ni Swenii mag salita
Hanggang ngayon labis labis parin ang kanyang pag tataka sa biglang pag babalik nila sa kastilyo ng mga taong lobo at hindi niya maunawaan bakit bumalik sila at samantalang alam nilang napakalapit na nilang mahanap ang kanilang kaibigan.
Lahat ng nasa silid ay nakatingin sa kanya at maya-maya pa ay bumalik sa kani-kanilang mga ginagawa..
"May dahilan sila kong bakit,iyon lamang ang masasabi ko sa ngayon .Magtiwala muna tayo at manatiling kumalma."
Casper
"Kahit sayo,walang binanggit?"
Si Aida na hindi maalis ang tingin Kay Casper.
Bumalik sa kanyang isipan ang aksidente niyang narinig ng minsan siya'y dumaan sa silid ng kapatid na si Lexus.
Nandon ang Beta at may naririnig siyang kausap nito.
Galit na galit at alam niyang may pag tatalo.
Narinig niya pa ang isang sigaw ,kong saan nais nitong pakawalan siya.
Pero dahil silid iyon ng kanyang kapatid, marahil may inaasikaso ito at kausap lamang iyon.
At tyaka ,hindi naman bago iyon lalo pa't madalas umiinit ang ulo ng mga kausap nitong nag mamatapang.
Minabuti niya lamang na umalis at wag ng maki-alam pa.
Umiling si Casper sa tanong ni Aida
"Wala."maikli niyang sagot
Tumayo si Aliso at tumungo sa labas ng bahay .
Nais niyang maglakad-lakad muna upang magpahangin.Malalim ang kanyang iniisip,ang Isang batang si Weeru,ang kakaibang pakiramdam na alam niyang mahalaga itong tao.
Tumingin pa siya sa taas kung saan bilog ang Buwan.
"Weeru,nasaan ka na ba?"
Bulong niya sa hangin
Humangin ng malakas,..dumaan sa harap niya ang mga tuyong dahon na tangay ng hangin .
Kasunod ang mga narinig niya ang Isang tunog karwaheng paparating.
Dahil sa malapit lamang ang tunog.Hinanap ng mga mata niya ang pinaggalingan ng tunog at binantayan.
Sa isang karwahe may dalawang tao ang nasa labas kung saan kinu-kontrol ang pag papatakbo ng kabayo.
Masaya pang nag uusap ang mga ito
Subalit may isang pangalan nakaagaw ng pansin niya.
"Tingin mo ba,natagpuan na nina Weeru ang kanilang kaibigan?"
"Mahal ko,magtiwala tayo sa diyosa ng Buwan.May paraan siya upang gabayan ang mga kaibigan natin."
Tugon pa ng lalaki
Lumabas siya sa pinagtataguan.
Dahil pababa ang daan ,tinalon niya ang dadaanan ng karwahe.
Napahinto naman ang karwahe ng magulat ang dalawang sakay.
Narinig niya ang pagsinghap dahil sa gulat.
"Hoy!ano bang ginagawa mo ha?!.bakit ka basta basta sumusulpot, delikado ang ginagawa mo at nakakaabala ka pa."galit na sigaw ng lalaki sa kanya
"Mahal, sandali.. huminto ka...."
Aniya ng Isa pang kasama
Pero napahinto din siya sa sasabihin ng makita ang mukha ng lalaki.
"Aliso?Ikaw ba yan?"
Napakunot ang noo ni Aliso
"Ikaw nga!Anong ginagawa mo ?ginulat mo kami ng sobra.Akala tuloy naman isang rouge na handa kaming sugurin."sabay tawa ng mahina ng estranghero
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
