"Weeru Pov"
"Sandali lamang ,Weeru..sinasabi mo bang hindi mo ako kilala?"gulat at hindi makapaniwala ang pinakikitang emosyon nito habang nakatayo siya sa harap ko at itinuturo ang sarili
Sa mga oras ito,inaamin kong litong-lito ako
Tumango ako,sa totoo lang wala talaga akong maalala,kung sino siya o ang mga nilalang sa harap ko at kong nasaan ako ngayon.
"Weeru ang pangalan ko?"tanong ko pa ng masigurado kong tama ang narinig ko
Kami lamang dalawa ang nandito,at ang iba ay pinaalis muna niya ng makapag usap kami.
Napayuko ito at napahawak sa noo
"Ganito,hindi ko lang kasi maunawaan eh.Una nag bago ang anyo mo ng natutulog ka,Pangalawa ng magising ka wala ka ng alala. ano ba talagang nang yayari dito?"problemado ang mukha nito
Ako naman napapakamot nalang din sa noo ng hindi ko malaman ang gagawin
"Sige ganito,siguro hindi naman pangmatagalan ang pagkawala ng iyong memorya.Lilipas ang mga araw babalik ulit yan...
Tumango at sumang-ayon na lamang ako kahit hindi ko sigurado
"Pero bago ang lahat ako nga pala ulit si Felo subalit mas sanay ako na tawaging Fel,at dahil wala kang alala,hayaan mo akong ibahagi ang aking nalalaman tungkol sayo ng sa ganon may alam ka sa iyong pagkatao"
"Sige po makikinig ako."tugon ko
"Noong una tayong nagtagpo ,nakilala kita dahil sa kaibigan naming si Quarhie.Isa kang manlalakbay kasama ang Ilan mo pang kaibigan.Weeru ang pangalan mo at kumpara ngayon naging bata ang iyong edad kaysa noong una nating pagkikita.."
Nagsalubong ang kilay ko..
May kaibigan pa akong kasama at lalong iba ang edad ko????
"Huh? hindi ba ako ganito dati?"
Tanong ko
Tumango siya
"Oo,Isa kang .....sandali,paano ko ba sasabihin?..
Ah,ganito sabihin nalang natin na parang ang edad mo ay nasa dalawampung taong gulang pataas."
Tumatango tango pa ito
Napanganga ako.
Ako???na ganong edad??pero ....
Tumayo ako at tiningnan mabuti ang paa at mga kamay ko.Maliliit ang mga ito para lamang akong mga walong taong gulang na bata .
para naman akong niloloko ng taong ito eh.
Matanda na ako sa orihinal kong anyo noon kaysa ngayon????.
Napayuko ako,..
Ano ba ang paniniwalaan ko???
Wala akong alala,hindi ko kilala ang sarili ko,tapos hindi ko din alam ang gagawin.
Para akong bulag na ngangapa sa dilim sa sitwasyon ko ngayon
Tumingin ako kay Fel
Ang taong nasa harap ko,sinasabi ang mga inpormasyon na alam niya subalit hindi ko alam kong totoo
"Makinig ka sa iyong nararamdaman"
Mahinang tinig na tila bumulong
Mula sa pagkakayuko, tumingin ako sa paligid ko.
Hinanap ang nagsalita,bawat paligid ay sinuyod ko ng tingin.
Pero wala,wala akong nakita sa silid bukod sa amin ni Fel.
"Narinig mo na yon?"tanong ko kay Fel
"Huh??ang ano ?"nagtataka na tanong niya na nga palinga-linga din
Napakunot ang noo ko,ibig sabihin ako lang nakarinig
Pinagmasdan ko pa ng Isa ang paligid at pinakinggan.Malinaw kahit mahina ang narinig ko kanina.
BINABASA MO ANG
TAMER
Loup-garou"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
