"Weeru Pov"
Agad na napapikit ako ng nagkaroon ng pagyanig.Dahil na din sa alikabok .
Narinig ko ang pag sigaw ng mga tao ,pero hindi ko pa nakikita ang nangyayari sa paligid.
Dahil sa aking laki at sa mabilis na pagkalat ng usok , dala ng pagyanig ng kapaligiran hindi ako nakakilos agad.
Inayos ko ang aking tindig at naghanap ng daan upang makaalis, delikado na dito gumuguho ang mga haligi maging parte ng pader
May ilang ulit akong pagapang na tumakbo para makadaan sa ilalim ng bumagsak na haligi.
Ginamit ko din ang aking sandata upang makaiwas sa paparating na pagbagsak sa akin ng mga perasong parte.
Nahirapan ako makalabas dahil na din sa napakalawak ng lugar na ito.
Nais ko man tawagin sina Davon ngunit alam ko hnd nila ako maririnig dahil sa mga sigawan ng naririto
May isang matulin na pagkilos ang dumaan at kita ko kung paano biglang pansamantalang gumuhit sa maalikabok na paligid ang kanyang pagkilos
Dahil sa pag aakala ko ito ay Isang panganib,agad kong hinanda ang aking panlaban.
Patungo ito sa akin pwesto
Sa isang kisap mata, nakatayo na ito sa aking harapan.
Umupo at pinantayan ang aking laki.
"Weeru"
Nag aalala ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.
"Lex"
Ngumiti ito,pero sa pagkakataon ito malaki na siya tulad ni Lexus.
Ibig sabihin, nagtagumpay ang ritwal.
Naging isa na silang dalawa.
"Aalis na tayo dito"
Aniya at binuhat ako at niyakap ng mahigpit.
Naramdaman ko ang mabilis niyang pagtakbo.hawak pa niya ang ulo ko,upang maprotektahan.
Ng muli kong binuksan ang aking mga mata,nasa labas na kami ng palasyo.
Nakatayo naman si lex,paharap sa palasyo.habang nakikita namin ang unti-unting pag bagsak ng bulwagan
"Lex,hindi ka ba tutulong don.?may mga taong nasa panganib."
"Kaya na nila ang lahat don.Mas mainam na nasa ligtas Kang lugar."
"Pero nasasakupan mo iyon."
Dagdag ko
"Mas mahalaga ka kaysa sa kanila"
Tugon niya
"Huwag ka ng mag alala pa,nandon ang mga pack warrior para tumulong mag tiwala tayo sa kanilang kakayahan"
Dagdag pa niya bago pa man ako makapag salita
Tumigil na din ang pag yanig,madami na din ang mga taong nakalabas don
Humakbang na paalis si lex,papalabas ng palasyo.
Yumuko ang mga nag mamadaling nakasalubong namin papunta na iyon sa naganap na pag guho
"Alpha"
"Luna"
Kanilang pag bati
Nagtaka pa ako ng bigla nila akong binati
"Magmadali kayo,madami pa kayong dapat gawin"
"Masusunod Alpha"
Tugon nila
Umalis na sila
Nagpatuloy naman si lex sa pag lalakad
"Saan tayo pupunta?"hindi ko napigilan magtanong
"Sa lugar kong saan makakapag pahinga tayo ng walang gulo"
BINABASA MO ANG
TAMER
Hombres Lobo"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
