"Aliso Pov"
"Makinig kayo,lahat tayo ay pinatatawag sa palasyo.At marahil ang iba sa inyo ay may ideya na kong bakit.Pero dapat kayong maghanda dahil kakausapin tayo ng mahal na hari."
Aniya ni Eucen
Lahat kami ay nagkatinginan na nasa silid na aming kinaroroonan.
Huminga ako ng malalim.
"Noong huli kaming nagkita...halos ubosin niya kami.Kaya tama pa bang pumunta kami don?"
Tanong ko Kay Eucen
"Nauunawaan ko ang iyong pinararating subalit, kailangan niyong magpakita sa kanya.Kailangan niya ang tulong niyong lahat ."Eucen na nangungusap
"Pangako,hindi na ulit mangyayari ang nangyari noon"dagdag pa ni Eucen
"Sige,pero sa oras na kami'y mapahamak.Hinding hindi na kami magtitiwala kahit Isa sa inyo."pahayag ko dito na may diin ang bawat salita
Simula ng kami ay nanatili dito upang magpagaling.Nag insayo kami upang gamitin sa laban,dahil alam namin na kung wala kaming gagawin wala kaming kalaban laban sa oras na may sumugod,iba ang lugar na ito at hindi ko makita ang kapayapaan tila ba ano mang oras posibleng may maging problema.May mga nalaman din ako mula kina Aida tungkol sa kung paano kami may kakaibang kakayahan
May kagamitan din akong sandata,at ibibigay naman niya iyon sa akin.
Suot suot ko ito mula ng nangyari ang kaganapang trahedya.
Nakakabigla na ,alam ng katawan ko kung paano ito gamitin.Isang nakakamanghang espada,nakahit matibay na bakal ay mabilis niyang nahahati sa maraming peraso.
At hindi lamang iyon,maging Si Davon nakakausap niya ang mga hayop sa gubat ,nauutosan niya din ito at higit sa lahat walang araw na may mga usang pumupunta dito sa bahay upang siya ay bisitahin.Nakikipag laro pa ang mga ito kay Davon.
At bukod pa doon,may isang kakaiba pa kaming natuklasan ,may isang kagamitan na instrumentong musika ang napasakamay ni Davon,ng oras niyang patugtogin...nagiging kalmado ang lahat.At umaayon sa musika ang kanyang kakayahan.
.......
"Kamahalan,nandito na po kami"panimula ni Eucen ng kami ay makapasok sa isang malaking bulwagan,at sa unahan ay may isang higit nakakataas na Isang upuan kung saan nakaupo ang hari.
Ng pagmasdan ko,nakapalibot dito ang presenyang nagdadala ng panganib.Wala ding kabuhay buhay ang kanyang mga mata,tila ba puro lamig at dilim na walang hanggan ang kanyang lalim.
Itinaas nito ang kanyang palad..at suminyas na tumayo mula sa pagkakayuko
Naunang tumindig ng maayos ni Eucen na sinundan narin namin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.Tinawag ko kayong lahat,dahil sa kailangan ko ng tulong niyo.Kailangang matagpuan ko ang aking mate ...
Isa sa inyo,ang nakapag dala ng scent niya dito.At alam kung kilala niyo siya."
Nakatingin lamang ako sa alpha king.
"Nais kung , bumalik kayo sa gubat kung saan kayo ay natagpuan lahat."
Tinaas ko ang aking palad upang kunin ang kanyang atensyon.
"Bakit?"malamig na tinig niya
"Wala kaming maalalang lahat.at sa totoo lang gusto din namin na makaalala .Pero Hari ng mga taong lobo,hindi ba dapat huwag mong iasa saming nandito ang paghahanap ng mate mo.Isa pa paano kung hindi naman namin siya kilala at nagkataon na Isang beses lamang namin siya nakasalamuha at sunod non hindi na kami muling magtagpo."
"Kayo ang magiging daan..upang mapasaakin siya.Babalik kayo doon at hahanapin siya ."matigas niyang sabi
Hindi ko alam kong bakit nakadama ako ng kakaibang kilabot matapos niyang magsalita,tila ba Isa akong munting langgam wala kalaban laban sa kanya.
BINABASA MO ANG
TAMER
Lupi mannari"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
