Chapter 5: Wanting to be Alone

1.3K 23 0
                                    

"That Idiot! He freaking dumped me!"

Hindi ko alam kung paano ako nakaligo at nakapagbihis ng matiwasay. Ayoko siyang makita, ayoko siyang samahan ngayon para makapag-enrol pero heto ako nakaupo sa dining at kumakain kasabay silang dalawa.

"honey I tour mo na rin si Enzo sa school niyo para naman ma-familiarize na siya dun at hindi maliligaw. Then pwede kayong magbonding sa bayan, marame namang mapapasyalan dun. ipakilala mo na rin siya sa mga kaibigan mo. Enzo matutuwa ka sa mga kaibigan niyang si Rie, lahat ay mababait at magaganda."

"talaga tita?"

"oo at off limits sa mga playboy na gaya mo" sabi ko naman.

"Rie! Pasensya kana Enzo, masama lang ata talaga ang gising niya. Anak uubusin ko ang insecticide mamaya sa kwarto mo para mawala na ang mga ipis na nirereklamo mo."

"mom sa tingin ko dapat isang malaking tsinelas na lang ang bilhin mo at ilagay sa kwarto ko. mas may silbi yung pampalo sa ipis, patay kagad."

Napansin kong tumatawa lang si Enzo. Inirapan ko naman siya. kainis talaga! Kumukulo ang dugo ko sa kanya eh.

"anong size ba honey?" tanong ni mommy

"Mom kung may 3 feet yun ang bilhin mo."

"ang laki naman ata ng tsinelas na yun"

"tama lang yun mom. Yung kahoy ah or pag may bakal mom yun ang bilhin mo"

umalingawngaw ang tawa ni Enzo sa buong dining. Anong nakakatawa? Ihampas ko kaya sa kanya yung bakal na tsinelas ewan ko na lang kung makatawa pa siya.

"hayaan mo couz kapag may nakita ako ibibili kita ng dalawa para may reserba pa." sabi niya.

ang sarap itusok ang tinidor sa leeg niya.

"Ito talagang si Enzo, pinapatulan pa ang mga biro ni Rie. Sige na anak ako ng bahala sa mga ipis na yun."

"okay mom" hays! Kung alam lang niyang ibang ipis ang tinutukoy ko.

pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami.

"ako ng magdadrive." Sabi ni Enzo ng makalabas kami ng bahay.

"ASA" sabi ko at nagpatuloy na sa pag lalakad. Para namang kabisado niya ang Davao kung makapag prisinta.

"tssss! Baka may mabangga ka na naman dyan ah." Sabi pa niya.

Namumuro na talaga siya. hindi ko na siya pinansin at sumakay na sa sasakyan ko. Sumunod naman siya at sumakay na rin sa passenger seat. Inayos ko ang seat belt ko at tinignan siya. Nakangiting nakatingin lang siya sakin. Pinantaasan ko lang siya ng kilay at inaantay ang susunod niyang gagawin. Napairap na lang ako. Nakalimutan ko mas maliit pa pala sa ipis ang utak niya.

"seat belt" sabi ko.

"napaghahalata ang concern mo sakin couz ha" sabi niya habang sinusuot ang seat belt.

"whatever!"

sinimulan ko na ang pagdadrive, malapit lang naman ang school namin dito. Mga 15 minutes drive lang.

wala ng nagsalita pa samin on the way. Buti naman kung ganun dahil pagod na pagod na akong makipag-away sa kanya.

pagkalabas ko ng sasakyan ay sakto din pagkalabas niya. Nilock ko ang sasayan at saka nagsimula ng maglakad.

"nakapunta ka naman na dito kahapon diba?" tanong ko.

"yes" sagot niya at tinitignan ang paligid.

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon