Chapter 26: Pink Boxer Brief and Black Lingerie

739 16 0
                                    

"I need to find it"

Pagdating ko ng bahay ay saktong dating din ni mommy.

"mom!" sigaw ko pagbaba niya ng sasakyan. Hinalikan ko rin siya kaagad pagkasalubong ko.

"how's your first day honey?" tanong niya habang kinukuha ang gamit sa sasakyan niya.

"okay lang po mom. the usual pagpapakilala lang."  sagot ko.

"where's Enzo?" sabay tingin niya sa sasakyan ko.

"nasa school pa siya the last time I check" nakikipaghalikan pa nga sa parking lot eh.

"bakit hindi mo sinabay?"

"busy pa siya eh"

"may mga kaibigan na siya?"

"yes mom, sobrang dame. Ang bilis nga niyang nakilala eh."

every break namin before the next subject halos magkagulo ang mga babae sa may seat niya para magpakilala yung mga classmates namin. Naiinis na nga sila Candy at Lian eh. lalo na ko dahil ang ingay sa likod ko.

"good, ayoko namang mahirapan si Enzo dun. sabagay napaka friendly naman ng mga studyante dun at tsaka andun naman kayo ng mga kaibigan mo. I know you will take care of Enzo" pilit ang ngiting binigay ko sa sinabi ni mommy.

yeah right! As if I'll spend my vacant time with him.

"kasama naman po niya yung band mates niya and classmates kami mom" walang ganang sabi ko. nagdilang anghel si mommy ng sinabi niya kaninang umaga na sana ay classmates kami. nakakainis nga eh.

"talaga? At least matutulungan mo siya. sinabi ko na sa tita mo na wag siyang mag-alala dahil andyan ka naman to look out for him."

"mom he's 19 years of age, he doesn't need my protection or something. He can handle himself"

"I know honey pero bago lang siya dito."

"mom tignan mo nga sa mga oras na to kasama niya ang KA-IBIGAN niya." Pagdidiin ko. duh baka nga mamaya itake home pa siya ni Amy.

"okay bahala kayong dalawa. Basta both of you should take care of each other" paalala niya.

"yeah mom" sagot ko nalang. Matatalo lang ako sa kanya pagdating sa ganitong argument.

"anong gusto niyong ulam?"

"anything mom. I'll stay in my room." Paalam ko at nagsimula ng umakyat.

Babe Calling...

Napataas ang kilay ko ng makita ang pangalan niya. Ibinaba ko ang gamit ko sa kama bago ko sinagot ang tawag niya.

"hello" walang gana kong sagot

"babe, nasa school kapa?"

"wala na. nasa bahay na ko. why?"

"I just wanna see you. I miss you"

tinaasan ko siya ng kilay, siguro sing taas na ng Mt Everest ang ginagawa ko ngayon.

"okay" sagot ko.

"hey. Is there a problem? Kanina ko pa napapansing may iba sayo. ano ba yun babe?" halata na sa boses niya ang pag-aalala kaya naiinis ako lalo dahil wala siyang alam sa tunay na rason bakit ganito ako ngayon. Might as well tell him ng malaman niya ang kagaguhang ginawa niya.

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon