"Get mad, but don't get even! I fvcking hate you Enzo!"
"goodnight sweety" paalam ni Enzo ng nasa tapat na kami ng mga kwarto namin. Inirapan ko lang siya at sinara ang pinto. Sobrang saya nila kanina habang nagcecelebrate ng minutesary namin ni Enzo. Pareho ata sina Thea at Enzo. May mga sariling dictionary.
Nakahiga na ko ngayon at nakatingin sa ceiling. Iniisip ko pa rin ang nangyare kanina sa dining table.
Bakit hindi ako naghisterikal? Bakit parang tanggap na tanggap ko pa at nakikicelebrate ako sa dalawa? Ano ba talaga ang gustong patunayan ni Enzo sa ginagawa niya?
Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na gusto niya talaga ako. I mean andyan pa rin si Lian. Sila pa nga rin ang magkasama kanina at naglalampungan pa.
Hay! Paikot ikot na ko sa kama ko pero hindi pa rin ako madalaw ng antok. Tumingin ako sa orasan ko at alas onse na. grabe maaga pa ko gigising bukas eh, may pasok pa.
Anong oras kaya pumapasok si Enzo dito sa kwarto ko tuwing gabi? alam ko naman na lagi siyang andito, na dito siya lagi natutulog at umaalis na lang bago pa ko magising. Pero hindi ko maabutan ang oras niyang yun.
Hindi na kaya siya lumalabas ng gabi? madalang na rin ang gig ng banda nila nitong nakaraang araw. Nagkasabay sabay kasi ang mga school activities.
Tama aantayin ko ang pagpasok niya. Pero gusto ko na ring matulog dahil maaga pa nga ko bukas. Alangan naman second day pa lang ng linggong to ay puyat na puyat na ko. may practice pa rin kami niyan sa club. Hay ang gulo ko.
Bahala na kung makatulog ako or hindi pero I'll try to wait for Enzo to enter my room. Para ano? para may dahilan na naman akong awayin siya.
—————//
Hindi ko na alam kung anong nangyare basta pakiramdam ko ay kailangan ko ng bumangon kahit hindi ko pa nagriring ang alarm clock ko. wag mong sabihing madaling araw pa lang at alas tres na naman. I extended my hand para makapa if nasa tabi ko si Enzo. Disappoinment washed tru me ng hindi ko siya maramdaman. Sinubukan kong imulat ang mata ko at nagulat ako na medyo maliwanag na. agad akong napatayo at tinignan ang phone ko.
Fvck! 6:45 na. dapat sa mga oras na to ay pababa na ko para kumain. Agad akong tumayo at nagpunta ng banyo. Mukhang nakalimutan kong mag-alarm kagabi dahil sa kakaisip kay Enzo at sa mga nangyare.
Agad hubad na ko at diretso sa shower. Nagising ang diwa ko ng malamang late na ko.
Habang nagsasabon ako ay nahagip ng mata ko ang dibdib ko. nanlalaking matang tinignan ko ito.
"no way! Fvck hindi pwede" sabi ko at bigla akong tumakbo paharap sa salamin.
OMG! "Enzo!" sigaw ko. "errrr" itinapis ko ang twalya ko sakin at tsaka lumabas ng kwarto ko. kakatok na sana ako sa kwarto niya ng bumukas iyon.
Nagulat siya sa itsura at ako naman ay inis na inis sa kanya.
"anong nangyare sayo? nawalan ba tayo ng tubig?" tanong niya at pinasadaan ako ng tingin. Natauhan naman ako sa tanong niya. Basa pa ang kamay ko at may shampoo pa ang buhok ko. nasapo ko ang noo ko sa ginawa ko. sa pagyuko ko ay nakita ko na naman ang dibdib ko.
"you did this right" turo ko sa dibdib ko. ngumisi naman siya sakin.
"paano mo nalaman ako ang may gawa niyan?" tanong niya.
Duh! Sino pa ba ang gagawa nito kundi siya diba? alangan namang si mommy.
"gumaganti ka ba?" inis na tanong ko.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...