"I complicate the situation"
Habang naliligo ako ay naaala ko na wala akong sasakyang gagamitin ngayon. Ngayong araw kasi ipapa-tow ang sasakyan ko. ipapaayos na rin ni mommy. Sana maging maayos kaagad. Kailangan ko kasi ng sasakyan ngayon dahil gagabihin na naman ako sa practice namin. Okay pa rin naman mag commute o kaya mag taxi. pero iba pa rin kasi pag sarili mong sasakyan. Mas komportable at mas madali.
Nag-ayos at nagbihis na ko bago bumaba. Binati ko ang dalawang kumakain pagkakita ko sa kanila.
"honey dadagdagan ko na lang allowance mo habang hindi pa naayos ang sasakyan mo." sabi ni mommy.
napangiti ako dahil gusto ko yun. Pwede ko namang pakiusapan sila Cands na ihatid ako kapag pare pareho kaming late ang uwe. Edi nakatipid pa ko.
hindi naman kasi kami mayaman ni mommy. Nasa middle class lang. Ayos lang naman ang buhay namin, nagtitipid pa rin naman kami paminsan minsan.
mas mayaman pa kaya si Enzo sakin. May gigs siya tapos pinapadalhan pa siya nila tito't tita ng allowance.
"isasabay ko na lang po siya tita" napatingin kaming dalawa ni mommy sa sinabi ni Enzo
"talaga?" nakangiting tanong ko.
Hindi ko ba nasabi? Gustong gusto kong matry ang mag-motor dahil ang astig.
Ngumisi naman siya sakin. Kaya nag poker face na lang ako.
"naku baka mahulog kayo kapag dalawa ang sakay. baka hindi safe" pag-aalala ni mommy.
"tita matagal na kong nababike. 15 years old pa lang ako marunong na ako. tita kahit dalawa kaya kong iangkas"
"pero delikado" ayan na nga ba eh. kokontra talaga tong si mommy.matatakutin kasi.
"safe tita. Iingatan ko si Yanni. Alam niyo naman na hindi ko siya pababayaan." Sinserong sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. "malulusaw na ko cookie sa ginagawa mo" puna niya sakin. sumimangot naman ako.ayan na naman siya eh. mang-aasar na naman.
"sige basta sa motor lane lang kayo ah. ingatan mo tong baby ko Enzo" paalala ni mommy
napapakagat ako ng labi sa saya. Wooooh! Sa wakas! Makakasakay na ako ng motor!
"yes tita. Pakakasalan ko pa to eh." Sagot niya
inirapan ko siya at napangiti naman si mommy. Bakit kaya hindi na lang sina mommy at Enzo ang magpakasal mukhang magkasundo sila eh.
"buti na lang dalawa ang binili kong helmet." Sabi ni Enzo ng iniabot sakin ang pink na helmet. Dark Blue sa kanya at Pink sakin.
" bakit pink? Napaka girly naman nito! Hindi na astig tignan" reklamo ko habang isinusuot.
"tsss! Babae ka kaya dapat pink" sabi niya.
"binili mo talaga to para sakin?" tanong ko.
alangan namang mag pink siya diba? at mas maliit ito kumpara sa helmet niya.
"hindi. Ibinili ko yan para sa mga babaeng iaangkas ko" ngisi niya
kinatok ko nga yung ulo niya. bwisit eh. pasalamat siya may helmet siya kundi nakutusan talaga siya sakin.
aalisin ko na sana ang helmet ng hilain niya ang lock nito at inilapit ang mukha ko sa kanya. "selos ka naman agad eh ikaw pa lang naman ang aangkas dito." Sabi niya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Inilock na niya ang helmet sakin tsaka ibinaba ang eye shield.
Inagaw niya ang shouder bag ko at tsaka isinuot sakin ang gitara niya.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...