" I love you always and forever"
Dumating na ang pinaghahandaan naming magkakaibigan. Ang Teacher's day. Naging busy kami sa pag-surpresa sa adviser namin mamaya. Maganda ang arrangements ng school. Gugunitain kasi ang mahalagang araw ng mga guro.
Busy si Cands sa photography club. Si Thena naman ay tumutulong sa SC kasama ang boyfriend niya. Kaming tatlo ay andito lang naguusap usap. Ako ay kinakabahan na para mamaya. Si Thea kasi ay ayaw makisali sa club niya tinatamad daw siya sa practice. Susuportahan na lang daw niya ang dance troupe.
"ready na yung song mo?" tanong ni Yla sakin.
"oo naman. Ako lang ang hindi" sagot ko naman.
"kinakabahan ka?"
"sobra. Pinagpapawisan ang kamay ko" sabi ko at ipinakita sa kanya ang pasmado ko ng kamay.
"andito lang kami. kaya mo yan" masayang sabi ni Thea. "nakaya mo nga sa gig nila Drake eh. kaya mo yan."
"iba pa rin pala kapag sa school na. bakit nga ba ako pumayag sa usapang to?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"para sa OPLAN Green yan Rie" paalala naman ni Yla.
napapikit ako. bakit ko nga ba kasi kailangang patunayan yun eh kapag inamin ko naman na sa graduation na kami na eh maniniwala na sila. Hindi ko na kailangan gawin to. Pero may magagawa pa ba ako eh andito na ito? Kailangan lang talagang mawala ang kaba ko para hindi ako mapahiya mamaya.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang event sa teacher's day. Lahat ng mga guro ay nakaupo habang kaming mga estudyante ay nasa paligid lang. nanonood ng mga mangyayare at naghahanda kapag kami na. until lunch time lang naman ito, pagkatapos nan ay bakasyon na namin.
Nagsimula ang program sa pagpapakilala sa mga teachers at kung anong tinuturo nila.
Ang mga students nila ay nagbibigay ng mga gifts and bouquet kapag natatawag ang mga guro nila.
Syempre last kaming mga grade 12. Three sections lang naman ang maximum sa bawat grade at nasa grade 5 and 6 lang yun. The rest ay isa o dalawang section lang. katulad samin dalawang section lang ang grade 12.
Si Sir Jonas ng kabilang section muna ang unang pinakilala at nagbigay ng message sa kanya ang class vice president nila. Sumunod ang pamimigay ng mga gift.
Nung si Sir James na ay hindi rin nagpatalo ang klase namin. kahit naman masungit yan marameng fans yang boyfriend ko. pinag bake ko rin siya ng cake pero bayad yun ng section namin. gusto nga kasi niya ng cake, nirequest pa nga niya diba?
Grineet ko na rin ng happy teacher's day si babe kanina pag gising ko at excited siya na marinig daw akong kumanta kasama ang banda. Kung alam lang niya ang gagawin ko. baka pagalitan ako nun. on the other hand naexcite din akong makita ang reaksyon niya mamaya.
Binigyan kami ni sir ng tipid na ngiti kaya naman tuwang tuwa ang klase dahil nakita nilang ngumiti si Sir.
"oh paano ba yan ngumiti na si sir? Nakuha ko na ba ang boto mo?" tanong ko kay Cands.
Magkakatabi kasi kaming magkakaklase eh at itong barkada nga ang mga katabi ko.
"hindi counted yun Rie. dapat sayo siya ngingiti. Dapat mapapakilig mo siya" sagot naman ni Thea.
"tsss! Oo na. kami na ang susunod niyan diba?" tanong ko.
"hindi pa. magpeperform muna ang dance troupe tapos yung campus band bago yung game" sagot ni Thena.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...