Chapter 25: OPLAN Sagana

831 16 4
                                    

"Oh I hate PDA's"

Uwian na pero andito kaming barkada sa school ground at nakaupo sa ilalim ng punong mangga. May benches kasi sa palibot nun at iyon ang paborito naming tambayan.

"what can you say about our first day?" tanong ni Thena

"okay naman so far, nakakamiss pala ang pasukan. Akalain niyo yun, tagal din nating tambay sa bahay." sabi ni Cands

"ngayon chill pa lang tayo tignan mo bukas at sa mga susunod na araw baka hindi na tayo makapagbiruan sa isa't isa" sagot naman ni Yla.

"so what's our plan for the whole year." Tanong ko

"of course to get laid" natatawang sabi naman ni Thea

ngumuso si Yla na akala mo pinag-iisipan maigi ang sinabi ni Thea.

"alam mo Yla hindi maganda yung puro flirt flirt lang. dapat may mapala ka din." sabi ko

"alam mo Rie kahit gustuhin ko man, simula ng mainlove ako kay Mark wala na talaga. Hanggang kiss and make out lang ako."

"at least meron pa rin"

"pero gusto ko na ng totoo, sawa na ko sa mga BOB ko."

nagtawanan kami sa sinabi niya.

"at least there's still something that can give you pleasure. Sinasabi ko na sayo, minsan mas magaling pa ang mga BOB kesa sa totoo." Sabi ni Thea kaya naman binatukan siya ni Thena

"don't settle for BOB friend. Paano pa't naisip natin ang OPLAN Sagana kung hanggang dun ka na lang sa battery operated boyfriend mo." sabi ko.

"so anong plano natin? Diba dapat start na yung OPLAN Sagana ngayon dahil nagstart na ang pasukan." Tanong ni Yla

"bakit hindi mo na lang kaya siya I-hire as personal driver? Para lagi mo siyang nakakasama. mas madali mo pa siya mabibingwit nun" sabi ni Thea

"Thea ginawa mo namang isda si Mark and besides pumapasok siya. alam mo yung part time lang niya ang pagiging taxi driver at ang totoo ay college boy siya. ngayon pasukan sigurado na madalang na lang yun mamasada."

"pero present naman siya every night out natin."

"oo dahil kinukunsensya natin siya at hindi yun papayag na wala siyang alam kapag nag babar tayo. alangan naman gabi gabi tayong lumabas para magkasama sila ni Yla diba? hirap ng gusto niyo ah" sabi ko naman.

"bakit hindi, eh si Yla naman ang sasagot ng lahat ng lakad" nakangising sabi ni Thea

"hoy ah! anong akala niyo sakin mayaman? Yung pang economy lang tayo."

"wait! speaking of economy at libre, may utang ka pa Rie na tapsilog. Akala mo nalimutan na namin." Dinuduro pa ko ni Cands. Tsss! Mukhang pagkain talaga tong babaeng ito.

"tsss! Next week, pag iipunan ko muna." Sagot ko.

aba ang dame nila! anong akala nila sakin anak mayaman? Anak lang ako ng mukhang mayaman pero hindi kami mayaman.

"ang kuripot talaga." Bulong ni Cands pero narinig ko pa rin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Aba maldita pa rin ako no kahit sa mga kaibigan ko.

"eeehhh guys ano na? yung kay Mark muna kasi" reklamo na ni Yla. nalilihis na naman kasi kami sa pagkain eh.

"well bakit hindi mo na lang kasi ligawan" sabi ko

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon