Chapter 97: Bath Time

589 10 1
                                    

"No matter what your age is, you will always need your mom"

Nang matapos ang kainan ay nagtulong tulong kaming inayos ang classroom bago ang simula ng bakasyon.

"saan tayo?" tanong ni Yla. nasa school grounds na kasi kami at pauwe na.

"mall?" tanong ni Cands

"aantayin ko si Chase girls" sabi ni Thena.

"nasaan ba siya?"

"nasa SC office. May pinaguusapan pa sila eh. patapos na rin naman. kung mag mall kayo sunod kami" sabi niya

"anong gagawin natin sa mall?" tamad na tanong ko. gusto ko nalang kasing magpahinga.

"window shopping or manood ng movie or time zone" sabi ni Cands.

"bahala kayo. Kung anong gusto niyo okay lang" sagot ko.

"bakit parang wala ka sa mood Rie?"

"ha? wala naman. Sige ano bang gusto niyo?"tanong ko.

"mall na nga lang tayo. Kita kits sa SM sa tapat ng starbucks"

"sige sige" pagsang-ayon namin.

"ako na bahala sa sasakyan kambal. Text mo na lang ako" sabi ni Thea.

"okies. Sa sasakyan naman na kami ni Chase"

habang naglalakad ako ay nakita ko si Enzo na nakatayo sa tabi ng bike niya at may kausap sa phone. Kita ko ang nagsasalubong niyang kilay kahit hindi siya sakin nakatingin.

Sino na naman kaya nag kausap niya?

PEEP

Isang malakas na busina ang naring ko at ng tignan ko iyon ay si Yla pala. Nawala na naman ako sa sarili. Agad kong binuksan ang sasakyan ko tsaka ako sumakay.

Mall here we come!

-----——-//

Hindi rin kami nagtagal sa mall dahil wala namang magandang movie. Busog pa naman kami kaya hindi na rin kami kumain. Though nagtagal kami sa time zone. And guess what! Si Yla marunong ng mag-shoot ng bola. Sabi niya pinag-aaralan pa rin niya ang mga sports na hilig ni Mark gaya ng plano namin sa OPLAN Sagana. Bilib din talaga ako sa fighting spirit ni Yla. sana talaga maappreciate na siya ni Mark.

Tama nga si Thena magulo ang lovelife naming apat. Hindi naman ako kasali dapat doon, ang kaso dumating si Enzo sa buhay ko kaya pati sa love life ko nakikieksena siya. Ang gulo na tuloy.

"ano guys lalabas ba tayo bukas?" tanong ni Yla

"nope pahinga naman tayo bukas" sagot ko.

tinatamad na kasi akong lumabas. Gusto ko munang magpahinga o kaya maglinis ng bahay. Nakakapagod ding lumabas labas.

"eh anong plano niyo? matagal din ang bakasyon ah" tanong ulit niya.

"ako sa bahay lang din unless mag-aya kayo ng lakad or any activities you want to do." Sagot ni Thena

"jogging kaya tayo?" suggestion ni Cands.

"basta wag umaga. Tinatamad akong gumising" sagot ni Thea.

"odi hapon ang jogging. eh kung mag gym na lang tayo. Nakakapag gym pa ba kayo ng weekends?"

"hindi na nga eh. busy sa school at sa boyfriend" sagot naman ni Thena sa tanong.

"ako rin busy kay Mark" sagot ni Yla

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon