"ATM: How embrassing it is to be me?"
Nakabusangot ako habang ang barkada ay natatawa sa nangyare kanina.
"I told you it's not a good idea" natatawang sabi ni Thena. Sumandal pa siya kay Chase na natatawa din sa kwento ng barkada.
Katatapos lang ng Christmas party at Nasa school canteen kami at naguusap usap. Pinag iisipan pa kung gagala kami or uuwe na lang.
Tapos na rin naming ibigay ang Christmas gifts ng bawat isa. Bubuksan namin ang mga yun sa mismong Christmas day.
"But it was funny" natatawang sabi ni Thea. Maluha luha pa siya "nakuhanan mo ba yun?" Tanong niya kay Cands.
"Ako pa ba? Syempre naman"
I groaned when I heard that. Pagpipyestahan na naman ito sa SJGS page kapag naisipan ni Cands na ipost yun.
"Nakakahiya talaga kanina" sabi ko at sinubsub ang mukha sa table.
"Okay lang yan Rie" nakangiting sabi ni Jace and he tapped my back.
"Cands please wag mong ipopost yun!" Pagmamakaawa ko.
Binigyan lang niya ako ng nakakalokong ngiti.
Ang bad talaga!!!!
Isa pa si James. Sana mas tumatak sa isip niya ang moment namin sa newspaper dance kesa sa exchange gifts.
"Jace kung ganun ang nareceived mo na Christmas gift? Anong gagawin mo?" Nakangusong tanong ko sa kanya.
Hindi ko na lang papansinin si Cands. Baka kapag kinulit ko siya ipopost niya kaagad yung video na yun. Yare talaga ako.
"When can I try those" sagot niya.
"Tsk! Hindi nga? Yun ang una mong maiisip? Kung kelan mo magagamit yung gift? Ikaw Chase?" Bumaling naman ako sa kanya pero ang ulo ay nasa table pa rin. Hindi ako naniniwala kay Jace na yun lang.
"I'll send a pic to Thena and ask her when we can try it" sagot naman ni Chase. Halos pareho lang sa sagot ni Jace.
"Come on Rie it's okay" sabi naman ni Jace.
"I bet tinatry na yun ni Alex" -Yla
"Kay Lian" dugtong naman ni Thea.
"Ikaw ang may gusto nun Rie. Tuwang tuwa ka pa sa idea na yun ang ireregalo mo. So walang dapat ibang sisihin kundi ikaw." Sabi ni Thena
"Hindi ko naman naisip na gagawin yun ni Sir James" reklamo ko.
hindi ko pa rin pala siya narereplyan sa message niya. Hindi ko kasi alam paano magpapaliwanag. Kapag sinabi ko kasing ako talaga may gusto nun baka magalit. Hayssss!!!
"Kahit naman din ako. Impromptu yun na ginawa ni Sir. Hindi niya ako na inform. Kung alam ko lang edi sana nabalaan na tayo"
"Ayoko na" sabi ko at inikot ikot ang ulo sa table.
"Rie it's just a condom. I know it's a little naughty but we studied sex education and most of the teenagers now did it already. At least you are helping him from preventing teenage pregnancy" paliwanag ni Thea.
Napabuntong hininga naman ako. May point naman sila ang kaso-
"It's not appropriate for the event. Buti sana kung sating magkakaibigan nangyare yun. Pagtatawanan lang natin. Why did it ever crossed my mind?" Inuuntog ko pa ang ulo ko sa table ng paulit ulit.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
Ficción GeneralShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...