Chapter 42: Band Practice

689 13 0
                                    

"Getting emotional is really not my style"

Mabilis natapos ang klase sa hapon. Hindi ako sumama sa barkada sa pagbili nila ng pagkain. Naupo lang ako sa tambayan namin sa ilalim ng mangga sa school grounds.

Dahil wala akong magawa ay isinaksak ko ang headset sa tenga ko at pinakinggan ang kantang kakantahin ko bukas. Memorize ko na lahat, alam ko na rin kung saan ko bababaguhin. Gusto ko sana medyo bilisan sa umpisa tapos babagalan ulit sa gitna ang kaso wala naman akong mahahanap na minus one na ganun unless may sarili kang banda na tutugtog.

Habang nakikinig ako ay natanaw ko sina Enzo at Lian na nag-uusap sa gilid ng stage. May pangiti-ngiti pa si Lian habang nakatingin kay Enzo. Napailing na lang ako. si Lian naman ngayon ang ipinalit niya. Sino naman kaya next week?

Nawala sila sa paningin ko ng may humarang sa harap ko. napatingala ako sa taong iyon. Lalaking estudyante dito pero sa tingin ko ay nasa lower year dahil halos lahat ng ka-batch mate ko ay kilala ko sa mukha kahit na hindi ko kilala sa pangalan. Dalawa lang naman ang section ng grade 12 kaya hindi mahirap alalahanin. Pamilyar siya sakin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Siguro nga nasa lower year siya rito sa school.

Tinanggal ko ang headset ko at kinausap siya.

"ano yun? May kailangan ka?" Tanong ko

ngumit siya sakin. Hanep ang cute niya. Ang cute ng dimples niya.

"pwede bang makipagkaibgan?" tanong niya.

"ha?" nagulat ako sa sinabi niya.

"I'm Jace, you're Rianne right?"

tumango ako "Rie na lang. mas kilala kasi ako bilang Rie dito. Nice meeting you Jace." At nakipagkamay ako sa kanya. hindi ko na rin tinanong kung paano niya ko nakilala dahil laman ako ng SJGS Page this past few days kaya baka dun niya nalaman.

"bakit mag-isa ka lang? nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong niya sabay tingin  sa paligid.

"may binili lang pero babalik din. Anong grade ka na Jace?" mukha naman siyang mabait kaya magiging mabait ako sa kanya. tsaka ang cute cute ng dimples niya. gusto kong tusukin dahil ang lalim.

"grade 12. Transferee" sabi niya.

"ha? transferee ka pala. Akala ko nasa lower level ka eh" gulat na sabi ko. parang hindi ko siya nakita sa section nila Chase.

Andun kaya siya nung nag-away kami kahapon nila Bianca? Imposibleng hindi ko mapapansin ang katulad niya na gwapo at may cute na dimples.

"bago lang ako dito. Actually I'm from Manila." Nakangiting sabi niya.

"oh? Talaga? Bakit ka napadpad ng Davao?" aba ako nga gustong gusto ko sa Manila tapos siya pupunta dito sa Mindanao.

"personal matter. Babalik din ako sa Manila after graduation. Dun pa rin naman ako mag-aaral ng college."

Natuwa ako ng malamang taga Luzon siya. Bukod kay Cands ay wala na akong kakilala pa.

"alam mo ba gustong gusto kong marating ang Manila. Gusto ko rin dun mag-aral." Ewan ko ba natutuwa ako magkwento sa kanya.

"anong course ba ang kukunin mo?" usisa niya.

"Interior design. Ikaw ba?"

"architecture"

"wow! Alam mo yung bestfriend ko yan din ang gusto. magkakasundo kayo" nakangiting sabi ko.

"sinong bestfriend? Ang dame mo kasing kaibigan."

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon