"Time is not enough for girls like us"
Nagising ako dahil sa uhaw na uhaw na ako. pilit kong iminumulat ang mata ko at ng tuluyan ko na itong maibuka ay tinignan ko ang paligid.
Nasa kwarto ako.
pinilit kong bumangon at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.
Hangover! Oh I hate hangovers.
Walang tao sa kwarto ko maliban sakin.
Anong nangyare kagabi? Ang huling naalala ko ay nasa kitchen island ako at kausap si Enzo.
Bumangon ako sapo sapo ang aking ulo. hinanap ko ang phone ko at nakita ko ito sa may table ko. kada hakbang na ginagawa ko ay mas lalong sumasakit ang ulo ko. uhaw na uhaw pa ko.
Nang tignan ko ang oras ay nine oclock na. inayos ko ang kurtina sa kwarto ko para may pumasok na liwanag. Sumakit ang mata ko sa liwanag ng araw kaya naman agad ko rin itong sinarado.
Pumasok ako sa banyo para makapaghilamos. Suot ko pa rin ang damet ko kagabi. Ano na kayang nangyare sa mga kainuman ko kagabi?
Nang maayos ko na ang sarili ko ay saka ako lumabas ng kwarto. Tumungo kaagad ako sa ref dahil gustong gusto ko ng malamig na tubig.
"good morning honey" bati ni mommy ng makita ako.
"mom! good morning" bati ko rin sa kanya. Paos pa ang boses ko. Wala akong maalala na nag kantahan kami kagabi.
"hangover?" tanong niya.
"obviously mom. Hindi na nga ako nakapagpalit eh. anong oras po kayo dumating?" tanong ko saka tinanaw ang sala.
"I came at 11 and everything is a mess honey"
"sorry mom! Hindi ko na po namalayan yung mga nangyare kagabi. Naparame ang inom ko" I apologized. Ano kayang itsura ng bahay ng madatnan niya?
"it's okay honey. Thena and the others clean all the mess. I came in your room and you're drunk."
"minsan lang naman mom, sorry po" ngiwing sabi ko. baka sa susunod hindi na ko payagan nito.
"at least dito lang kayo sa bahay at andito si Enzo to take care of you"
gusto kong mapairap sa sinabi niya. Si Enzo na naman kasi ang bida.
"nasaan pala sila mommy?" tanong ko.ako pa lang ata ang gising eh.
"nasa guest room ang girls at ang boys ay nasa kwarto ni Enzo"
"sino pala ang nagstay sa mga boys?"
"Nate and Vince. Umuwe na sila kanina pa. the girls are still asleep"
"and Enzo?"
"hindi pa rin bumababa"
umupo na ko sa dining at naghanda si mommy ng breakfast.
"mom wala pa kong gana" sabi ko. Hindi kakayanin ng tyan ko ang kumain sa sitwasyon ko ngayon.
"coffee?" sabi ni mommy at lapag nito sa harap ko.
"thanks mom. you're the best" nakangiting sabi ko.
pagkakuha ko ng coffee ay dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV.
A hangover in Sunday morning.
Napatingin ako sa hagdan nung may marinig akong bumaba. Si Enzo. Halatang kagigising lang din niya dahil gulo gulo pa ang buhok at naka boxer lang. tumuloy siya sa kusina. Alam ko uhaw na uhaw na rin yun gaya ko. Narinig ko silang nag-uusap ni mommy tapos bigla siyang lumapit sakin at may daladala ring tasa ng coffee. Umupo siya sa tabi ko at diretso ang tingin sa TV. Walang nagsasalita samin, nakaupo lang kami dun at nanonood.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...