Chapter 52: Mind Stealer

598 13 0
                                    

"My heart and my mind are on the rocks"

KNOCK

KNOCK

KNOCK

Napatingin kaming lima sa pinto ng marinig yun. Bumukas ito at sumilip si mommy

"girls lunch na! kakain na" sabi ni mommy.

"sige po mom. sunod na kami"

tumango naman siya at sinarado ang pinto.

"anong oras ba kayo aalis?" tanong ko.

"after lunch na ko Rie" sagot ni Cands

"akala ko may lakad tayo?" tanong ni Yla

"pass daw si Cands eh. kayo ba?" tanong ko.

"sige bahay nalang din ako. ang dame kong nainom kagabi eh" sagot naman ni Yla

"okay edi uwian na " sabi naman ni Thea

"Cands can I stay in your place. O kaya sa inyo Thena kung pwede?" tanong ko sa kanila.

"why?" Thena

"bakit?" Cands

Sabay nilang tanong.

"ayoko lang maiwan dito. Uuwe din naman ako before dinner" sabi ko.

"iniiwasan mo ba si Enzo?" tanong ni Thena

"hindi naman. Bakit ko siya iiwasan? Ayoko lang muna sa bahay. gusto ko ng ibang surroundings. Malungkot at tahimik na naman kasi dito kapag umalis kayo. Wala din akong kausap."

"okay sige" sagot naman ni Thena

"ikaw Cands ano? kina Thena na lang ako?" tanong ko.

"o sige. Matutulog lang din kasi talaga ako eh" sagot naman niya.

"okay!" masayang sigaw ko.

after ang girl talk namin ay saka kami nag-lunch. Panay asaran lang kami. pinagkwentuhan ang mga nangyare kagabi. Siyempre yung usapan ay yung part na may nalasing na. hindi naman namin kinuwento yung laro namin na puro kamanyakan ang topic. Baka himatayin pa si mommy.

Hindi rin naman mawawala ang lambingan namin ni Enzo. Alam niyo na, yung babanat siya at babarahin ko. yung mang aasar siya sisigawan ko. mukhang nasanay na ang mga kaibigan ko dahil nakikisakay na rin sila.

"okay ingat kayo girls ha. Honey balik ka before dinner wag magpagabi" paalala ni mommy.

"yes mom" sabi ko sabay halik. Pinayagan niya kasi ako kina Thena muna mag stay. sabi ko konti lang yung kwentuhan time namin kahapon at may second batch kami ng girls bonding kina Thena. Sabi nga ni mommy dito na lang kami sa bahay ang kaso sabi ko hinahanap na rin sila. Weekends pa naman ngayon tapos hindi sila makikita ng parents nila. Pumayag naman siya basta uuwe din ako kaagad.

Hindi ko na dinala ang sasakyan ko dahil ayokong mahuli. Mahirap na kasi baka masundan or may makakilala ng sasakyan ko kapag pumunta ako ng condo ni James.

"hello po tito, tita" bati ko sa mga magulang ng kambal ng makarating kami sa kanila.

"Rie buti nadalaw ka rito" sabi ni tita at hinalikan ako sa pisngi.

"nakakainip po sa bahay eh. sandali lang naman po ako dito bawal din po ako magabihan."

"sige sige. Ikumusta mo na lang ako sa mommy mo ah."

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon