Chapter 11: Grocery Matters

1K 14 0
                                    

"It suppose to be Rose not Jasmine"

"Yanni, bilisan mo na. aalis na daw tayo" sigaw ni Enzo habang kumakatok. Buti naman at may manners siya ngayon at hindi basta basta nalang pumapasok.

"oo sunod na ko." sagot ko.

"Tsss! Ano ba naman to. hays! Pwede na to. Ito na ang pinaka okay na naisip ng barkada." Sabi ko sa sarili habang tinitignan ang itsura sa harap ng salamin.

Kinuha ko ang bag ko at tsaka ako bumaba. Gulat ang rumihestro sa mukha nila mommy pagkakita sakin.

"what happened honey?" nag-aalalang tanong ni mommy.

Ibinaba ko yung mask na suot ko bago nagsalita. Oo naka mask ako. yung surgical mask na ginagamet sa ospital, ganun ang suot ko. hindi lang yun, nakashades din ako kahit palubog na ang araw.

"mom mukhang magkakasore eyes ako eh." sabi ko kay mommy.

"and the mask? Are you sick?"

"medyo inuubo kasi ako mom, baka mahawa kayo." Sagot ko sabay balik ng mask.

"uminom ka na ba ng gamot?"

"yes mom, tapos nagpatak na rin ako ng eyemo for red eyes." Mahinang sabi ko dahil sa mask na suot ko.

"are you sure you're okay? Kami na lang ni Enzo ang mag grocery."

"no mom, I'm fine. hindi na masyadong mapula yung mata ko, baka bukas wala na to. And my coughs hindi naman malala. Hindi na nga ko inuubo oh." Paliwanag ko.

"eh bakit hindi mo pa tanggalin yung mask mo? para kang may malubhang sakit sa itsura mo" sabi naman ni Enzo

"baka mahawa kayo. Eh diba darating si Margo sa Saturday? Paano pag nahawa kayo edi lahat na tayo hindi makakalapit kay Margo. Mahina pa ang immune system ng mga baby, mabilis mahawa" Pangangatwiran ko.

"okay sige na honey, sigurado kang okay ka lang ha?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

nag thumbs up ako sa kanya bilang sagot.

nauna ng umalis si mommy at sinabayan ako ni Enzo sa paglalakad.

"tsss! Ano bang drama yan Yanni? Akala mo maloloko mo ko?" tanong niya.

"wala kang paki. Manahimik ka" pa-irap kong sabi. Wish ko lang nakita niya ang ginawa ko.

"edi inamin mo ring nagpapanggap ka lang."

"Wala akong inaamin. Inuubo talaga ako at tsaka namumula ang mata ko."

"patingin nga ng mata mo" sabi niya at nagtangkang tanggalin ang suot ko pero umiwas ako.

"mahahawa ka nga. ang kulit nito."

"okay lang para dalawa tayo. Edi mas bagay."

"eh kung sapukin kita ngayon din? At blackeye ang ibigay ko sayo? Mas maganda yun diba? Para nakasalamin ka din?"

"Amasona ka talaga. Bahala ka dyan. Naka jacket ka pa? August na! tapos na ang tag-ulan."

"hoy tag-ulan pa rin at tsaka malamig sa mall." Sabi ko naman. Ang daming alam at napapansin ng ipis na to eh.

"edi sana nagpants ka at itinago mo yang mahahaba mong legs"

"tsss! Paki mo sa legs ko. Bahala ka dyan" sabi ko rin at inunahan na siya. mas mahahalata ako kapag siya ang kasama ko.

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon