" I don't like the feeling of adrenaline that comes in riding a plane with unexpected turbulence"
Nagmadali kaming mag-impake ng gamit. Konti lang naman pero kailangan pa ring ayusin.
"Enzo ayos na ba gamit mo?" tanong ko sa kanya pagkapasok sa kwarto nila.
"inaayos ko pa lang" sagot niya habang naglalagay ng gamit sa maleta.
Nakita ko nag aayos din yung iba, ako kasi naitabi ko na ang mga gamit ko. sinabi ko din kina Thea na kapag may damet o gamit akong nahalo sa kanila ay itabi na lang muna.
Umupo ako sa kama at tinulungan siya sa gamit niya.
"ako na Yanni"
"okay lang para mas mabilis dahil isasama ko pa yung gamit ko."
"sana dinala mo na lang dito."
"put all your things here. Ako ng mag-aayos dadalhin ko na tong maleta sa room ni Cands."
"wag na ayusin ko muna ang gamit ko."
"baka magulo din yan kapag nilagay ko na yung akin. To save time ako na. ilagay mo na lang lahat dito."
"sure ka?" tanong niya.
"oo"
"wow! Parang mag-asawa lang ah" komento ni Cole kaya napatingin kami. "anong tingin naman yan? Rie wag mong ibeybi si mister" natatawa niyang sabi.
"baliw!" singhal ko sa kanya sabay sarado ng maleta. "ako na bahala dito. Kapag may naiwan kapang gamit idaan mo na lang sa room."
"okay lang may bag rin naman ako." sabi niya
"hoy Enzo baka may underwear ka pang nagkalat dun. tapos gamit pa" sabi ni Drake
"okay lang yun. Sanay na si Yanni" sabay kindat niya sakin.
agad akong namula sa sinabi niya "gago anong sinsabi mo?"
"you're blushing sweety" natatawang sabi niya.
"napaka niyo! ang babastos ng bibig niyo." sigaw ko.
"bakit pati kami nadamay?" inosenteng tanong ni Nate
"tsss! Dahil magkakaibigan kayo. Magkakautak kayo. Bwisit!" sigaw ko sabay alis.
Rinig ko ang malakas na tawanan nila sa loob. Mga gago talaga.
"oh bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Thena ng makita ako.
"nakakainis kasi ang mga boys" sumbong ko.
"pinagtulungan ka?"
"bwisit kasi si Enzo"
"anong nangyare?" tanong naman ni Yla
"saka ko na ikukwento I need to pack" sabi ko
inilagay ko sa kama ang maleta at sinimulang mag impake. Halos mangulay kamatis ako ng makakita ako ng brief ni Enzo at maalala ang sinabi ni Drake.
"you're flushing Rie. are you okay?" tanong ni Cands
agad kong tinakpan ng damet ko ang underwear ni Enzo sa pagkataranta.
"ah ano. okay lang. nainitan ako bigla" pagdadahilan ko.
"ha? ganun ba. Wait lang lalakasan ko lang yung aircon" sabi niya at lumapit doon.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
Ficción GeneralShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...