"On this special day, I want you to know that I am yours and my heart belongs to you"
"see you in 15 minutes" sabi sakin ni babe ng ipasa ko ang workbook ko sa kanya.
tumango naman ako at bumalik sa upuan ko.
"anong sabi ni Sir sayo?" tanong ni Yla pagkaupo ko.
"sabi niya next time daw hindi na niya palalampasin ang pagkopya mo ng assignment at seatwork natin." Nakita kong nanlaki ang mata niya at pinipigilan kong matawa sa reaksyon niya.
"OMG!" bulaslas niya.
"tsss! Bakit naman kasi pati ata erasures ko kinukopya mo din?" sabi ko sa kanya. halatang-halata nga eh.
"kasalanan mo eh. mali mali ka" singhal niya sakin.
abat kasalanan ko pa ngayon.
"Alam mo naman kung anong sinusulat mo ginagaya ko dahil ayaw ko ng antayin kang matapos dahil nakatingin si Sir sakin." katwiran pa niya.
sa kanya ba nakatingin si James o sakin?
"kasalanan ko pa talaga ah. buti pati pangalan ko hindi mo nakokopya." Sarkastik kong sabi.
"syempre naman anong akala mo sakin tanga?"
gusto ko na nga sanang sabihing oo para biruin siya kaso may pagkapikon kasi tong si Yla eh kaya baka magalit pa. kaya umiling na lang ako at inayos na ang gamit ko. kailangan ko ng umalis dahil magkikita pa kami ni James.
"alam talaga niyang kumokopya ako?" tanong na naman niya.
natatakot na tumingin siya kay Sir at napatingin din ako sa tinitignan niya. busy na ulit sa ginagawa niya si James.
"teacher siya. malamang alam na niya ang kalakaran ng mga estudyante." Sabi ko. hindi naman kasi totoo yung sinasabi ko sa kanya pero paninindigan ko na. ang sarap din kasing i-bully ni Yla minsan eh.
"patay na naman ako nito." Kumakamot sa ulong sabi niya. napangiti naman ako.
"mag-aral ka na kasi." Payo ko sa kanya. ewan ko ba bakit nangongopya pa siya. baka mamaya mas tama pa ang mga hula niya kesa sakin.
"nag-aaral naman ako. ang kaso gusto ko symepre yung mataas na grades" sagot niya.
sa totoo lang pumapasa naman si Yla eh. wala nga yang line of 7 sa mga grades niya. Yun nga lang ang gusto niya ay mataas talagang grade para naman maganda ang record niya dito sa school. She wants to labeled as beautiful and smart. Kilala na nga siyang flirt tapos bobo pa siya. kawawa naman siya diba? She wants to prove that she's more than just a pretty face. Ganun kaming barkada eh, beauty and brain ang peg namin, yun nga lang struggling sila minsan ni Thea. Cands is an average, pero okay lang sa kanya kung may mababa siyang grades. Yun nga lang sinisikap pa rin niya na wala dahil ayaw naman niyang mabansagan na bobo sa barkada.
Ewan ko ba saming magkakaibigan gusto magaling hindi lang sa landian kundi pati na rin sa academics.
"alam mo Yla hindi ka naman bumabagsak eh, baka mamaya tama pa ang mga hula mo kesa sakin."
"nanghula ka lang?" takang tanong niya.
"anong akala mo sakin alam ang lahat? Hindi ako kasing talino ni Thena" sagot ko.
"tsss! Yung sa number 6 alam mo yung sagot?" tanong niya.
"nakalimutan ko na nga yung tanong eh."
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
Ficción GeneralShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...