Chapter 37: Cat Fight

673 14 0
                                    

"If you got problem with me, then beat the shit out of me or shut up!"

Well as expected, all eyes on me when I landed the school grounds. Tumitingin sila sa paligid at hinahanap siguro kung kasama ko ba si Enzo. Duh! Naglalakad pa ang ipis na hinahanap niyo. gusto kong sabihin sa kanila.

May mga insekyura sakin na tinaasan ako ng kilay pagdaan ko at meron din ngumingisi na parang may alam sila na hindi ko alam. Sa tingin ko iniisip nila na kawawa ako. the hell with them.

yung issue na naman siguro ito ng mga pictures namin ni Yla sa SJGS Page na lumabas kagabi ang dahilan ng mga tingin at ngisi nila.

Nasa corridor ako ng floor namin ng may sigawan na akong naririnig.

"wag niyo kong pigilan at kakalbuhin ko ang inggeterang yun" nagulat ako sa lakas ng boses niya. At pamilyar ito sakin. sino ba yun? Ang aga aga nakasigaw na.

"oo nga puntahan natin yun. Akala mo maganda. Humanda yang babaeng yan kapag nakita ko."

ibang boses naman iyun pero pamilyar din.

"Lacey ano ba? tatamaan ka kapag hindi ka umalis sa pinto."

Nataranta ako dun, mga classmates ko ata ang nag-aaway kaya pamilyar ang mga boses. dahil sasaktan nila si Lacey nagmadali ako sa paglalakad, Kaibigan ko pa rin naman yun at ayaw ko masaktan siya. mabilis ang lakad ko papuntang classroom dahil dun nanggagaling ang inggay.

tumambad sakin ang nagpupumilit lumabas ng room na si Yla. Pinipigilan siya nila Lacey at ng iba ko pang mga kaklase.

"kakalbuhin namin yung sinungaling at malanding babaeng yun." Ngayong malapitan ay alam kong boses na yun ni Thea, kaya pala pamilyar.

Kapag nalaman ito ni Ms David lagot na! Detention ang kalalabasan ng mga to.

"ano ba kambal, Yla. Awat na! mamaya na lang natin ambangan pag uwian dahil mapapagalitan tayo" buti naman ay may matino sa barkada ko. pinagpapasalamat ko talaga na ganun si Thena. kung kukunsintihin niya ang dalawang to ay wala na kaming future. Detention ang aabutin nila.

"hindi Thena! Masapak ko lang siya pwede na. isa lang naman eh.please" pagmamakaawa ni Yla. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. nagmamaktol na kasi siya at nakikiusap.

"oo nga kambal kapag nalaman din to ni Rie siya pa ang mangunguna sa pag-aalsa. Kaya bago pa mas lumala, hayaan mo na kami ni Yla." Sabi naman ni Thea

"hello Cands? Asan ka na ba? Bilisan mo at nagwawala sila Thea at Yla dito. Wala pa si Rie....oo kapag nakita mo siya wag na wag mong hayaang makatakas sayo....oo delekado na to.....Oo nabasa mo ba? Ewan ko pero kilala mo naman si Rie laging walang alam yun.Fvck! Ano ba kayong dalawa masasapak ko kayo kapag hindi pa kayo tumigil. Ipapatawag ko ang guidance sige!!....Oo Cands dali na. bakit kasi lagi kang late?!....Okay sorry ang hirap kasi kapag ako lang.....okay bye. Bilis ah"

ang haba ng sinabi ni Thena at hindi ko halos maintindihan basta narinig ko ang pangalan ko along the lines. Kausap kasi niya si Cands sa phone at the same time kausap ang dalawa. Sumingit na ko bago pa niya totohaning ipatawag si Ms David. mas mahihirapan kaming makalusot kapag ganun. Magaguidance kami at baka madetention pa.

"what's happening here?" tanong ko.

napangiwi naman si Lacey. Sila Cindy at iba pa sa class officer ay nilapitan na ko.

"Rie Rie ikaw ba yan?" boses yun ni Thea. Hindi niya ko makita dahil na rin nasa labas pa ako ng room at nasa loob siya.

"shut up kambal! Rie antayin mo ko dyan. Padaanin niyo ko." sabi ni Thena

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon