" That Kiss!... Damn"
"Yanni yung kiss ko?" pang sampung tanong na yan ni Enzo sakin at naaalibadbaran na ko sa kanya kanina pa.
"pwede ba Enzo naglilinis ako ng bahay." sabi ko naman.
General Cleaning na naman kasi ngayon at imbis na tumulong si Enzo ay kinukulit niya ko sa halik na utang ko pa simula kahapon.
Margo's birthday was nice. Naka-skype din namin si Tita Lucy bago kami nagpaalam. Panay ang kwento nila Lolo't Lola about sa milestone ni Margo at gaya nga ng inaasahan ay tampulan na naman kami ng tukso ni Enzo ng siya naman ang kinumusta ni Tita.
Si mommy ay panay ang kwento tungkol samin ni Enzo. nang mga away at mga lambingan daw namin. Ayun si Tita nagbabalak ng umuwe ng pasko dahil namiss na daw niya dito.
"nangako ka Yanni alam mo yun" sabi niya at nakasunod pa rin sakin.
umakyat ako sa kwarto ko at hindi siya pinansin. Nang marating ko ito ay huminga ako ng malalim. Tinignan ko ang buong paligid.
Papalitan ko lahat ito.
Lumapit ako sa may bintana at nakapameyang na tinignan ito.
"Yanni naman ako na lang hahalik sayo kung nahihiya ka"
tinignan ko naman siya tsaka umirap.
Duh! Kelan pa nagpaalam si Enzo na hahalikan ako? eh sa pagkakaalala ko ay nanghahalik na lang yan basta basta at wala akong nagagawa.
"Yanni naman!"
"paabot ng upuan" kalmado ko lang na sabi.
Sinunod naman niya ko at kumuha ng upuan na matutungtungan ko tsaka nagsimula na namang mangulit sakin tungkol sa napagusapan kahapon.
Tumayo ako sa upuan at dahil yung swivel chair ang iniabot niya sakin ay sinenyasan ko siyang hawakan niya ito.
Sumunod naman siya habang salita pa rin ng salita. Hindi na naman ata siya nakainom ng gamot niya kaya may saltik na naman. Ang daldal daldal.
Tinanggal ko ang kurtina ko. nang matapos ako ay inalis ko naman ang kobre kama. Si Enzo ay panay pa rin ang pangungulit.
"nakakarindi ka na ah" sita ko sa kanya.
"kasi naman bakit ka pa nangangako kung hindi ka tutupad?" maktol niya.
"ang usapan behave ka diba? anong ginawa mo?" tanong ko.
"behave naman ako"
"really Enzo?" sarkastik kong tanong.
"ano bang ginawa ko?" maang-maangan niyang tanong.
"gusto mo isa isahin ko para mas lalo akong mabwisit sayo at ikikiskis ko sa semento- ay hindi sa inidoro yang labi mo!"
"diba sabi mo wag kitang tawaging sweety? Hindi ko naman ginawa. Sabi mo dapat hindi nila malaman na girlfriend kita dahil takot ka na husgaan tayo. Tinupad ko naman yun ah. hindi nila nalaman? Eh ikaw nasan ang pangakong kiss mo?"
ibinigay ko sa kanya lahat ng maruruming gamit na hawak ko at kinuha naman niya yun.
Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa kwarto ni mommy. Wala akong balak na sagutin siya.
Iniwan niya sa hallway ang mga ibinigay ko at sinundan na naman ako.
"ano na Yanni?" naiinis ng tanong niya.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...