"Pretending to be sick to hide from my mom is the only solution I can come up with."
Natapos ang klase at dumiresto ako sa CR. Syempre I need to look, smell and taste good kapag imemeet ko ang boyfriend ko. kailangan ko din to para lambingin siya. alam ko kasi nag-aalala yun sa nangyare sakin kanina.
Pagharap ko sa salamin ay nanlumo ako. ibabawi ko na lang siguro sa taste at smell ngayon dahil I look like chuckie doll.
I washed my face gently. Bumili na rin ako ng sabon sa canteen kanina. Ginamet ko to para medyo mawala ang paninilaw ng mukha ko. effective naman, namula nga lang ang mukha ko sa kakakuskos.
Halatang halata ang mga kalmot ni Bianca. Mas magiging visible pa siguro ito kapag nagtagal.
Kailangan kong umuwe bago si mommy para pwede akong magkulong sa kwarto at magpanggap na masama ang pakiramdam gaya ng plinano namin kanina sa canteen.
Tinignan ko ang relo ko. may isang oras pa bago dumating si mommy sa bahay.
Wala ng masyadong estudyante ng makalabas ako. 30 minutes din ata ako sa banyo kakaayos ng sarili ko.
Ang alam ko ay umuwe na yung apat at malamang sa malamang ay pinaghahandaan na ang band practice na magaganap bukas.
Naglakad ako papunta sa office ni Sir James. Malaki ang SJGS at lahat ng mga teachers dito ay importante. May mga sarili silang opisina, na minsan ay pahingaan nila. Literally parang condo unit pero maliit lang, sakto lang sa lamesa, upuan, cabinet, sofa at banyo. Mayaman ang mga angkan ng San Juan rito kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ganito sa paaralan namin.
Hindi na ko kumatok at agad na kong pumasok sa opisina niya. Malakas ang pakiramdam niyang si James kaya alam kong alam na niyang may tao pero hindi siya tumitingin dahil busy siya sa phone niya.
Tsss! Akala mo naman sa mga papers ng student o sa lesson plan nakafocus pero hindi, sa cellphone pala niya.
"babe" tawag ko
agad naman siyang napatingin sakin. Kumunot ang noo at nakatitig lang.
"tatawag na lang ako mamaya. Update me if there's a problem." Sabi niya at ibinaba na ang telepono.
"ano? tititigan mo na lang ba ako? ano bang sasabihin mo?" tanong ko at umupo na sa sofa. Nakatingin lang kasi siya sakin eh.
Tumayo siya sa kanyang kinuupuan at lumapit sakin. Umupo siya tabi ko at kinulong sa palad niya ang pisngi ko.
Napangiwi ako sa ginawa niya.
"bakit ka ba kasi nakipag-away? Bukod sa nadetention ka tignan mo yang mukha mo?" sabi niya at napapailing na tinignan ako.
"masama ba talaga ang lagay?" tanong ko.
"oo, nasira ang maganda mong mukha"
napanguso naman ako. syempre medyo nakakahurt din. Wala naman akong paki kung sino magsabi na panget ako, dahil alam kong hindi totoo. Pero syempre boyfriend ko si James. Whatever he says matters to me.
"ginamot mo na ba to?" tanong niya
"tsss! Nakita mo ba ang itsura ko kaninang klase mo? kagagawan yun ni Enzo. akala ko ginamot niya ko yun pala pininturahan niya ng yellow ang mukha ko" singhal ko ng maalala ko na naman yun.
Napataas siya ng kilay. "si Enzo ang gumamot sayo?"
Opppps! Seloso nga pala tong boyfriend ko. sasabihin ko na nga lang ang totoo baka mamaya pahirapan nito si Enzo kahit wala namang dapat pagselosan.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...