Chapter 112: Perya

229 4 7
                                    

"GAME OVER! Thanks for playing"

Sinundan ako ng mga girls matapos kong mag-walk out.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Thena.

Binigyan ako ni Cands ng tubig.

"Okay lang. bwisit lang talaga si Enzo" sagot ko

"Wala naman na atang bago dun eh" sabi ni Cands.

"Alam ko. Kaya nga nakapikit na lang ako. Sobra ang takot ko. Pakiramdam ko babaliktad yung sinasakyan namin"

"Safe naman yun. Hindi naman yun tataob" sabi ni Thea

"Hindi ko yun alam. Mas maganda yung sealed ng buo" sagot ko.

"Wag ka ng sumakay ng kahit anong rides. Maglibot na lang tayo" sabi ni Yla.

"May nakita akong nag bebelly piercing" sabi ni Thea.

"Parang gusto ko yan" sabi ko.

"Ako din. Try natin?" Tanong niya.

"Baka mamaya hindi yun nalinisan maigi mahawa pa tayo ng hepa" sabi naman ni Thena.

"Hindi naman siguro. Ipapalinis naman natin. Dapat makita ng sarili kong mata na lilinisan niya yun" sabi naman ni Thea.

Nagkibit balikat na lang ang kakambal niya.

Hindi ko naintindihan ang sinasabi nilang magkakahawaan? Paano? Hindi na lang ako nagsalita.

Napagpasyahan naming i-try ang belly piercing. ang cool kasing tignan yun eh.

May mga taong nakapaligid dun and some are looking for a nice navel ring displayed outside the tent.

We did the same. naghanap kami ng magandang design.

At nung turn na namin. Tinotoo talaga ni Thea ang pagtatanong.

"Ate malinis ba yan? Linisan mo ulit. May hepa ako. Baka makahawa" sabi niya.

Binatukan naman siya Thena. Baliw talaga!

"Tumigil ka nga kambal. Baka mamaya isipin nila totoo" sabi ni Thena

Kahit kailan talaga itong si Thea oh! Sa dami ng nakakasex niya without protection baka nga totoo.

"Omg! Kami muna bago ikaw" sabi ko nagkukunwareng nagpapanic na.

"Oo nga baka mahawa kami sayo" pang-gagatong naman ni Cands.

"Bwisit kayo!" Natatawang sabi niya. "Ako ang mauuna. Manigas kayo dyan" dagdag pa niya at tsaka umakyat na ng table para mahiga.

Natatawa naman si ate sa amin. Baka iniisip niya baliw na kami. Yung hikaw naman kasi ang itutusok kaya hindi naman kami magkakahawaan o mahahawa ng sakit gaya ng sinasabi namin.

"Kambal hawakan mo ko" sabi ni Thea ng iniipit na sa forcep ang taba niya.

Natatawa naman kami sa kanya. Inilabas ni Cands ang phone niya at tsaka vinideo si Thea.

"ang pagkatay kay Thea" sabi niya. Natawa naman kami.

Nang itusok ang hikaw ay napapikit si Thea. Ganun din ako.

"Masakit?" Tanong ko.

"Hindi naman. Ayos lang" sagot niya.

Totoo kaya yun? hindi kaya masakit? Baka kapag sinabi niyang masakit ay mag-back out din kami. kaya sinasabi niyang hindi.

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon