Chapter 45: On Stage

658 16 0
                                    

"Conquering my stage fright"

Sobrang saya ko habang nagbibihis ako. hindi na kasi halata yung kalmot ko. ang saya lang diba? medyo kinapalan ko ang concealer na inilagay ko para hindi na rin mahalata. Tapos naglagay na rin ako ng blush on. Hindi naman ako pala make up na tao. Powder and lipstick ay okay na ko. nagmemake up lang ako kapag pumaparty kami ng barkada. Magtatanong nito si mommy pero na rehearse ko na rin ang sasabihin ko.

Tumingin ako sa harap ng salamin at tsaka ngumiti.

"ang ganda ko" sabi ko sa sarili sabay hablot ng bag at CD na nasa side table ko. may nakasulat dun na 'Take a Chance by Marion Aunor'. Yun ang binurn na CD ni Enzo kagabi.

Pagbaba ko ay binati ako agad ni mommy.

"ang ganda mo naman honey"

"thanks mom. ngayon kasi ang audition ko eh."

"alam ko makukuha ka. Ikaw pa! you're good honey. Your dad would be so proud"

"I know mom" nakangiting sabi ko at tsaka umupo na para magbreakfast.

"si Enzo mom?" tanong ko.

"nauna na siyang umalis. May gagawin daw siya eh."

nadismaya naman ako. maaga kasi ang audition para sa musical theater eh. 8am daw. akala ko naman makakausap ko siya para mabigyan niya ako ng word of encouragement pero wala naman na siya.

What's with him today? Ang aga ng alis niya ah.

"ano daw pong gagawin niya?" tanong ko ulit kay mommy.

"Hindi naman niya nasabi pero magkita na lang daw kayo sa amphitheater "

dun yung audition eh. manonood siya? napangiti naman ako. basta makita ko lang siguro siya makakakanta ako. Hindi ako makapaniwalang nagawa kong malampasan ang takot ko sa gitara kapag kasama ko siya. alam ko isa lang yun sa mga takot ko. andyan pa yung stage na hindi ko pa naoovercome. Pero alam ko kaya ko to. Kakayanin ko para sa goal ko.

"bakit ngumingiti ang honey ko? si Enzo ba ang dahilan?" asar sakin ni mommy. Tuloy, lumawak lalo ang ngiti ko.

"awww! Gusto mo na ba siya? is he courting you for real?"

nagbago naman bigla ang itsura ko sa tanong ni mommy.

"mom do you like Enzo that much? I mean gusto mo talagang maging boyfriend ko siya?" seryosong tanong ko. kagabi ko pa kasi yun napapansin eh. yung bulungan pa nilang ayaw i-share ng ipis na yun. Nakakacurious kaya.

"well nung una ayoko kasi magpinsan kayo. But then he asked me nicely and nakita kong he's good for you, kaya kung gusto mo siya wala namang masama dun."

"what mom? he asked you if he can court me?" nagulat ako dun ah.

"yah! And your tita Lucy won't buy it. You see, ayaw ka niyang mapabilang sa mga babae ni Enzo and she said magpinsan kayo. Nagsecond thoughts ako nun na sabi ko babantayan ko kayo. Hindi naman kinakabahan si sissy dahil wala ka naman daw gusto kay Enzo and alam niyang hindi ka papatol sa anak niya. ang kaso itong si Enzo sobrang persuasive daw na tao kaya dapat daw wag tayong padadala"

"pero nagpadala ka mom at pumayag ka pa rin kahit nung una hindi. I can't believe you bought his lies"

"Enzo's a good boy anak. Yun din ang sinabi ng tita mo kahit na maloko ito."

"mom! I know his background about girls. He's a jerk and I don't like him" sabay krus ko sa braso ko.

ngumiti naman si mommy. "but everything can change honey, I can see it now. Kahit naman sandali pa lang si Enzo dito I know he's a good boy deep down. Ayaw lang niyang ipakita pero kilala mo naman ako. I can also be persuasive at times and if it involves my only treasure kailangan ko siyang bantayan. Ayoko naman umiyak ka. Mahal na mahal kita para lang paiyakin ng kung sino lang. kahit pa si Enzo yun na anak ni sissy"

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon