"He kissed me! That jerk kissed me?!"
"ala-una na" nakangisi niyang sabi at pinasadahan ako ng tingin.
Inayos ko naman ang coat ko at tumayo ng tuwid. para akong batang nahuling kumakain ng kendi na pinagbabawal ng magulang.
"bakit ka andito sa kwarto ko? diba sabi ko wag ka ng papasok dito? Labas! Ay teka paano ka pala nakapasok? Nakalock ang kwarto ko." pinipigilan kong sumigaw baka kasi magising sila mommy pero takte ang hirap pigilan pag nakikita ko ang mukha niya.
Tinignan ko siya ng masama habang inaantay ang sagot niya.
Pero pucha! Ngumiti lang siya sakin. Bwisit talaga! Nagulat ako ng Pinakita niya sakin ang mga susi. Mga susi yun dito sa loob ng bahay. si mommy ang may hawak nun.
"bakit nasayo yan?" tanong ko.
"nailock ko kasi yung kwarto ko kanina at humiram ako ng susi kay tita. Ibinigay niya to. Tinignan ko lang din kung isa sa mga susing to ang sa kwarto mo." nakangisi niyang sabi.
"ang hilig mo talagang pumasok sa kwarto ng may kwarto. Labas!" utos ko ulit.
"saan ka ba nanggaling? Alam ba ni tita na umalis ka?"
napalunok ako ng mabanggit niya si mommy. Yare ako kapag nalaman ni mommy to. Shit! Bakit ba kasi dito pinatira ang ipis na to?
"may binili lang ako sandali." Pagdadahilan ko.
"talaga? Bakit hindi ka sa baba dumaan? Bakit kailangan sa bintana?"
"tulog na sila mommy nung lumabas ako tapos naiwan ko yung susi kaya inakyat ko nalang ang kwarto ko dahil hindi ko naman sinasasara ang bintana ko."
"talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Pero may bahid na pagkadismaya.
"oo! kaya lumabas ka na." Sabi ko.
"eh nasaan ang binili mo?" tanong niya sakin at tinignan ang kamay ko.
shoot! Oo nga pala sabi ko may binili ako. Ano? anong sasabihin ko.
"ice cream ang binili ko. nagcrave kasi ako. Kinain ko na agad dahil matutunaw."
Tama ang galing mo talaga Rie. sana kumagat siya. may gulay pinaka hate ko pa naman ang nagsisinungaling kaya ayaw kong ipaalam ang mga gala ko eh. Kahit bihasa na ako sa pagsisinungaling ayaw ko pa ring ginagawa yun. Kaya mas gusto ko ng hindi mahuli para hindi ako makapagsinungaling.
"saan ka naman bumili?" Tanong niya
"sa 7 eleven dun sa kanto. Pwede ba inaantok na ko, umalis ka na."
"wow ang layo naman ng 7 eleven na yun at inabot ka apat na oras."
Shit! Wag mong sabihing-
" kanina pa kong alas nyebe dito." Nakangisi niyang sabi.
alas nyebe? Eh kakaalis ko lang nun ah.
"so? Umalis ka na pwede ba? Hindi mo naman malalaman na wala ako dito kung wala kang ginawang masama. Pumasok ka ng kwarto ko ng walang paalam. May balak kang gawin sakin no? manyak ka!" sigaw ko.
Duh? May 'fake me' kayang nakahiga sa kama. Hindi naman niya malalaman na wala ako kung hindi niya ko nilapitan at hindi tinanggal ang kumot ko. sabi ko rin kanina na wala akong maririnig dahil full volume ang music ko. eh bakit pumasok pa rin siya.
"tama ka" tumatawa na siya. "excited pa naman akong mayakap ka habang natutulog. Isipin mo nalang ang dismaya ko ng malamang sobrang lambot mo." pang-aasar pa niya.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
Ficción GeneralShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...