"A clear conscience laughs at a false accusation"
Ayoko pang bumangon. Gusto ko pang matulog pero panay na ang tunog ng phone ko.
Oh shit! Napamura ako at tumayo. Bakit nag-aalarm ang phone ko?
Napatingin ako sa paligid at nag-isip. Tingnan ko ang oras at alas sais na pala ng umaga.
OMG! Hindi ako nakapagdinner at nakatulog na lang ako bigla.
Parang na-energize ang buong katawan ko kahit na pakiramdam ko kanina ay inaantok pa ako. Napaupo ako bigla.
I look at my phone at kita ko dun ang marameng text at calls. Meron sa barkada at meron din kay James.
Normal text message lang naman ang pinadala ni James. Nothing important kaya simpleng good morning na lang ang nireply ko bago ako naligo.
The girls can wait for my reply baka malate ako kapag nagreply pa ko sa kanila. Monday pa naman ngayon. May flag ceremony kami. hindi ako pwedeng ma-late.
Pagbaba ko ay nakita ko ng kumakain si Enzo.
"good morning. Asan si mommy?" tanong ko kay Enzo
"nasa room ata niya. Umakyat eh." sagot niya.
wala man lang good morning din?
Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain.
"you want more?" tanong ni Enzo ng asta niyang lalagyan ang plato ko ng fried rice.
"yes please" sagot ko "woooh andame naman" reklamo ko ng halos mapuno na ang plato ko.
"you need to eat. Hindi ka nagdinner" sabi niya.
"I know pero ang dame mong nilagay pwede namang installment. Mamaya na yung susunod na batch. Hindi magkakasya yung rice sa plato ko eh." sabi ko.
may ulam pa kaya. Saan ko ipupwesto kung pinuno na niya ng kanin?
kumuha ako ng tocino na ulam at saka nagsimula ng kumain. Wala naman na akong magagawa dahil nailagay na niya ang sandamakmak na kanin sa plato ko. Paisa isa tuloy ang kuha ko ng tocino dahil na rin walang space for ulam sa plate ko.
"nag dinner ka ba kagabi?" tanong ko.
"yes" sagot niya
"sana ginising niyo ko." pakiramdam ko kasi gutom na gutom ako ngayon.
"we tried pero hindi ka nagising"
"talaga lang ah"
wala siyang naging sagot kaya tinignan ko siya ng masama at ngumisi lang siya sakin. naku mukhang may ginawa na naman to sakin kagabi!
"umamin ka. May kalokohan ka na namang ginawa kagabi no?" pang-aakusa ko sa kanya.
"wala" kibit balikat niyang sagot.
Naku yang mga ganyan niyang sagot ang hindi ko mapapalampas. May ginawa to kagabi eh. nararamdaman ko eh.
Hinampas ko siya sa braso na kinatawa niya. Bipolar talaga ang taong to. kanina ang tahimik ngayon abnormal na naman.
"anong ginawa mo sakin?" tanong ko.
"hoy wala ah. bakit may nagbago ba sayo? kung paano ka natulog ganun pa rin naman. Gusto nga sana kitang palitan ng damet-aray naman Yanni"
hinampas ko siya ng paulit ulit sa braso niya.
sabi na eh. minanyak ako nito kagabi porket pagod na pagod ako.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...