Chapter 84: Love Locks

544 14 1
                                    

"Dear God, I wanto to take a minute, not to ask anything from you, but simply to say thank you for all that I have."

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko. dumapa ako at niyakap ang unan ko. pilit kong kinukuha ulit ang tulog ko.

"Rie" rinig kong tawag sakin.

wala akong pakialam kung sino yung tumatawag. Bitin ang tulog ko.

bigla na namang nagflashback ang mga nangyare kagabi. Dahil sa kaduwagan ko natagalan ako bago makatulog. Ilang reklamo din galing kay Cands ang narinig ko.

"gisingin na lang ulit natin siya kapag tapos na kayong maligo." Rinig kong sabi ni Enzo

"ako din tawagin niyo na ko kapag may tapos ng maligo" antok na boses yun ni Cands.

"hoy magsisimba tayo diba?" sabi ni Thena. Gising ang diwa ko pero ang katawan ko ay tulog pa. ayoko pa kasing gumising. Ni gumalaw ay hindi ko magawa.

"si Rie kasi eh" reklamo ni Cands "hindi niya ko pinatulog." Feeling ko pati siya ay nakahilata pa rin gaya ko.

"ano bang nangyare?" tanong ni Yla

"ewan ko ba dyan siksik ng siksik sakin."

"ginapang din ako kagabi" rinig kong sabi ni Drake. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. anong ginapang?

"Aray naman Enzo! totoo naman ang sinabi ko" sigaw niya. Nakatikim siguro ng sapak kay Enzo si Drake. "pinagsiksikan niya ang sarili niya sakin."

"tsss! " singhal ni Enzo.

"kaya nga itong si Cole sa sahig na nakatulog dahil pinagsiksikan din niya ang sarili niya samin." Reason na naman ni Drake.

"ano bang nangyare kay Rie?" tanong ni Thena

"ewan ko ba dyan sabi niya sa taas siya matutulog." Sagot ni Yla.

"guys quiet muna. Mamaya niyo na kami gisingin please" pagmamakaawa ni Cands.

Humina na ang bulong bulungan ng mga tao sa paligid kaya naman dinalaw na naman ako ng antok.

"Rie" isang sigaw ang nagpagising sakin.

"hmmmp" antok na sagot ko.

"aalis na tayo bumangon ka na" kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Thea.

"5 minutes" sagot ko.

"sige 5 minutes para maiwan ka na"

"hoy Rie ikaw na lang ang nakahilata dito." Boses naman yun ni Yla.

kahit tamad na tamad ako ay bumangon na ko. humikab ako at nag-unat unat.

CLICK

Napadilat ako sa narinig ko.

"good morning sweety" nakangiting bati sakin ni Enzo at hawak hawak ang phone niya.

"Enzo naman! Ano na naman yan?" inis na tanong ko.

"wala binati lang kita" sabay tawa niya. Putek halatang pinaglalaruan na naman niya ko.

"subukan mo lang ipost yan-"

"I wouldn't dare" sagot niya. Which reminds me of our last encounter regarding pictures. Yung halos mamatay na ko sa kakatawa dahil sa pangingiliti niya.

"faster Rie. kakain na tayo niyan."

Tumayo na ko para ayusin ang hinigaan ko ng pigilan ako ni Cands.

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon