"The art of seduction has nothing to do with the physical"
Medyo naging busy ang mga sumunod na araw at maski si James ay hindi ko na masyadong makasama. Nagkaka text at tawagan pa rin naman kami pero yung mga night escapades namin gaya noon ay wala na. kung tutuusin matagal ng wala ang mga iyon. Hanggang hugs and kisses na lang kami. minsan mabilisan na lang. ang masaklap dun ay hindi ko siya namimiss gaya noon.
Naalala ko pa noong bago pa lang kami ni James kung makademand ako ay wagas. Kapag hindi niya ko mapuntahan dahil busy siya sa pagcocompute ng mga grades namin o hindi kaya naman ay may inaasikaso siya sa lesson plan ay ako ang pumupunta sa condo niya at kinukulit siya to the point na wala na siyang ibang inaatupag kundi ako.
That's one of the sweetest and naughtiest days of our relationship. Bakit kailangan kong magbago?
Alam ko ako ang nag-iiba. ganito naman si James dati pa eh. walang nagbago sa kanya, he's the same James that I know at naguguilty ako dahil nag-iiba ako. nag-iiba ang nararamdaman ko.
"okay class dismissed" rinig kong sabi niya.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. ngumiti ako pero diretso lang ang tingin niya sakin.
oo normal na yan. siya si Mr Sungit eh at ako lang si Ms Mendez kapag andito sa school. Okay na ko sa ganito noon. O di kaya kapag ganyan siya ka-cold tumingin ay ngumingisi lang ako at pinapakitang hindi eepekto ang ganyang mga titig niya sakin.
Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil pati yun nagbabago na rin. kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi pwedeng mawala ang apoy sa relasyon namin. I need to do something.
"hoy Rie ano na? tunganga mode?" sita sakin ni Thea.
"ha? ano yun?"
"saan ka ba naglalakbay ha? kanina ka pa namin tinatawag na mag lunch nakatunganga ka lang sa harap. Wala na si Sir kanina pa."
"ano bang nangyayare sayo?" tanong naman ni Thena
"ah ano may iniisip lang ako" sagot ko.
"ano naman?" tanong ni Thea
"yung teacher's day. Naiisip ko bigla yung OPLAN Green natin kay Sir James kaya hindi ko kayo narinig" pagdadahilan ko.
"ay oo nga pala yung OPLAN Green. ang tagal na nun ah. ano na palang nangyare dun?"
"edi wala pa. maliban na lang kung convince na tayong hindi na alamin ang preference ni Sir." Singit ni Cands samin.
"ah basta ako alam ko lalaki siya" sabi ni Yla
"alam na namin yan Yla at ako 100% na sure lalaki siya" sabi ko naman
"so iniisip mo ang OPLAN Green kaya ka tulala?" tanong ni Thena na pinaniningkitan ako ng mata. Mukhang hindi siya naniniwala sa dahilan ko.
"oo. ano pa nga ba?" sabi ko at pilit pa akong tumawa.
"eh kung patunayan mo yan sa teacher's day?" biglang sabi niya
"ha?anong patutunayan?" Tanong ko
"na lalaki si Sir"
"okay sige! paano naman?" tanong ko ulit
"pakiligin mo si Sir."
"naku kambal marame ding silahis na kinikilig sa babae. Syempre 50-50 sila eh." sabi naman ni Thea
"naku iba kiligin ang tunay na lalaki." Sagot naman ni Thena
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...