"I need a dose of patience"
"kumusta ang school? Maayos ka bang naka-enrol?" tanong ni mommy kay Enzo habang kumakain kami ng dinner. Ang peste tumabi pa talaga sakin.
"okay naman po tita, mababait naman po ang mga students ng SJGS" sagot niya.
Mabait? Sure! lumandi lang siya dun eh.
"pinakilala mo sana si Enzo sa mga friends mo dun honey" biglang baling sakin ni mommy.
"mom marame ng nakilala si Enzo dun, diba Enzo?" malambing na ngiti ko sa kanya "Akala nga nila artista siya eh. nakuha pang pagkaguluhan at magpapicture ng mga estudyante"
"yes tita" ngiti naman niya. Ang kapal talaga. Di man lang idenenay.
Tumayo si mommy at kumuha ng tubig dahil ubos na yung nasa pitchel.
Bumulong si Enzo sakin "paano mo nalaman yun? Wag mong sabihing sinusundan mo ko ng hindi ko alam o baka pinapasundan mo ko? masama yun sweety pwede mo naman akong samahan. Hindi mo na kailangang magmukhang stalker"
Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"you're the hottest news in SJGS paanong hindi ko malalaman? At kahit ayaw kong marinig yun ikaw ang bukambibig ng mga kaibigan ko. I almost throw my phone sa dame ng text messages patungkol sa nangyare kanina."
Naalala ko na naman kasi ang mga voice messages ng barkada kanina.
"ganun na ako kasikat? Wow! Sumikat ako dahil sayo? do I get girls because of that?"
napairap na lang ako sa kanya. hindi ba niya alam na dahil sa itsura niya kaya marameng nakakapansin. Isama mo pa na nainvolve siya sa pangalan ko. kaya double popularity.
"you can have every girls you want except my friends. They're off limits Enzo. Puputulan talaga kita kapag pinormahan mo kahit isa sa mga yun."
"I want to meet your friends. Wag mo naman akong solohin" nakangisi niyang sabi.
Mas makapal pa sa bilbil ni Candy ang mukha niya.
"what did I miss?" tanong ni mommy na kakaupo lang.
"sabi po ni Rie ipapakilala niya ko sa mga friends niya."
"ah oo nga pala akala ko may lakad kayo nila Candy. Tinawagan niya ako kanina asking where are you."
"I'm with Enzo the whole time mom, after kumain sa-" napatingin ako sa kanya para makahagilap ng sasabihin.
"sa calinderya ni aling marcelino" nakangisi niyang dagdag sa sasabihin ko.
"what?!" napasigaw ako dun. ano daw calinderya? At aling marcelino? Diba lalaking pangalan ang Marcelino. The heck Enzo! Ang lame ng excuse niya.
"diba sabi mo masarap dun. lalo na yung beef pares." Sabi niya na Pinanlakihan pa ako ng mata. ngumiti pa siya ng malawak na akala naman niya cute tignan.
"ah oo nga mom" shit! Ano ba naman to. No choice ako kundi sumang-ayon.
"kumakain ka pala sa calinderya honey? Akala ko hindi"
hindi talaga. Kung mura lang ang gusto ko madami namang fast food dyan na mura din bakit ako sa calinderya kakain?
"opo mom, masarap naman po ang luto dun."
"yes tita masarap yung luto ni aling marcelino"
gusto ko ng tampalin ang bibig ng ipis na to. Pinanindigan talaga ang aling Marcelino. Tumingin ako sa kanya at nginisian lang niya ko.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...