"Maybe I like you, but I'll never tell you. I will lie if I have to"
"details" tanong ni Thea ngayong kasama ko siya papunta sa kabilang section.
"nasira yung sasakyan ko. sumabay ako kay Enzo pagpasok." Sabi ko. Yun naman talaga ang nangyare.
"sa motor niya?"
"yeah" nakangising sagot ko. "grabe I want a motor bike too"
"grabe ka hindi ba nakakatakot yun?" tanong niya.
"sa una lang. pero ang astig talaga. Kung hindi lang matatakutin si mommy magpapabili ako ng ganun."
Gusto ko talaga nun.
"eh bakit nasayo ang gitara ni Enzo?" sunod na tanong niya.
"kasi nga sa likod ko nakalagay yun para maka-angkas ako ng maigi. Isipin mo na lang kung suot niya yun tapos siya ang driver. Wala na kong mauupuan at kung meron man baka mahulog ako during the ride. Tapos nataranta ako kanina dahil sa mga estudyante, hindi ko tuloy naibalik"
"weh?" Hi di makapaniwalang tanong niya.
"naku Thea ah bakit ko naman sasadyain. Alam mo naman ayaw kong maissue sa kanya"
"sa laki nito hindi mo man lang nakita?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
yun nga din ang katanungan ko sa sarili ko. ang laki ng gitara na to sa likod bakit di ko man lang napansin. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko kanina.
"gaya nga ng sabi ni Enzo pre occupied ako. kasi natakot akong may makita na kasama ko siya tapos tawag pa siya ng tawag sakin kanina. Kaya natataranta ako to the point na sa opposite gate ako dumaan kaya napalayo ako at nalate."
"baka naman kasi tinatawag ka dahil sa gitara"
"yun nga. nakatanggap nga din ako ng text kaso huli na lahat. Naidala ko pa rin sa room." Nanlulumong sabi ko.
"akala ko nga tutugtog ka na ng gitara."
"hay! Buti na lang at member ako ng musical kundi questionable talaga na may dala ako nito. tapos may name pa to ni Enzo" sabi ko
nakalagay kasi sa harap ko yung gitara para matakpan ko ang name niya.
"ikaw ang tumawag kay Nate ah" sabi ko.
nagtago ako sa gilid kung saan malapit sa boys CR. May mga dumadaan na mga estudyante at binabati ako. nag hi lang ako sa kanila.
Pagkakita ko kina Thea at Nate ay agad akong lumapit at ibinigay ng mabilisan kay Nate yung gitara ni Enzo.
"ikaw na bahala dyan ah" sabi ko sabay hila kay Thea "thanks Nate. Pasensya na"
tumango lang siya at umalis na kami. mukhang naipaliwanag naman na ni Thea kung bakit ko ibinibigay yung gitara. Mas safe ng maissue kay Nate kesa kay Cole or kay Enzo. Tsss! Playboy kasi yung dalawa at marame akong kaagaw, unlike kay Nate na good boy. Gwapo na, matino pa.
"oh" abot ko kay Thea ng towel
"aanhin ko to?" tanong niya
"ibigay mo kay Vince. sabihin mo thank you" sigaw ko sabay takbo papunta sa kabilang side. Mag CR kasi ako.
"hoy Rie" tawag niya pero malayo na ako.
Naku kailangan ng magbati ng dalawang yun ano. grabe na ang bangayan nila. Ang tahimik na Vince ay nagiging madaldal na dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...