Chapter 78: Love Game

527 13 0
                                    

"Just because you experienced pain, doesn't mean you won't feel happiness again."

Matapos ang dalawang oras ay natapos na ang examination. Doon ako biglang binalot ng kaba. Marameng mga tanong na bago sa kaalaman ko, sana lamang ay tama ang mga hula ko. ayoko sanang ipagsapalaraan ang sagot ko kaso wala talaga. Hindi ko alam ang ibang sagot kaya hinulaan ko na lang.

Natatakot akong hindi makapasa. Paano na lamang kapag hindi? Hindi ko ata kakayaning maglaho na lang bigla ang pangarap ko.

Nananalangin ako habang palabas ng room. Sana talaga makapasa ako.

"saan ba ang room ni Enzo?" tanong ko sa sarili ko. hindi ko na matandaan. Naglakad lakad ako papunta sa dulo ng pasilyo. Pasimple kong dinudungaw ang mga kwarto at nagbabakasakaling makita ko siya. ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko siya nakita.

Malungkot na naglakad ako pababa sa building C.

To: All

Tapos na kong mag-exam. Sino na ang tapos sa inyo? I'm in front of building C.

Sent

May mga benches sa gilid ng building C at may mga estudyanteng nakaupo. Naghanap ako ng bakanteng upuan at tsaka umupo. napatingin ako sa phone ko at wala man lang maski isa sa kanila ang nagreply sakin. Naisip ko bigla si Janna na nasa starbucks. Ang kaso wala akong number niya kaya hindi ko siya matetext.

Anong gagawin ko? nakakainip maghintay. Eh kung libutin ko kaya ang buong school?

Binigyan kasi kami ng pamphlet at nandun ang map ng school. Malaki ang DAN University at natatanaw ko ang garden na nasa harap ng school. May mga student doon na nakaupo at nag-uusap. Kumpara sa SJGS ang layo ng DANU. Iba talaga kapag university na. ibang iba ang paligid. Sa dame ng studyante dito imposibleng makilala mo sila lahat unlike sa SJGS na konti lang ang populasyon kaya naman makikilala mo ang lahat.

BEEP

From: Shiela

Katatapos ko lang. puntahan kita sa building C.

To: Shiela

Okay.

Sent

Ang alam ko ay nasa building B si Yla kasama nung iba. minabuti ko na lang na makinig ng music habang inaantay sila. Makikinig ako ng nakakaindak na musika ngayon para naman hindi nakakainip mag-antay. Ang genre ko ay mellow music pero sa pagkakataong ito gusto ko na nakakapagpaindak na tugtog. baka manlumo lang ako kapag banayad ang mga kantang pakikinggan ko, katatapos ko pa namang magexam.

Tiwala lang Rie papasa ka. napangiti ako sa sinasabi ng utak ko. kinuha ko ang headset ko sa bulsa ko at tsaka namili sa music ko.

NP: Twerk it like Miley by Brandon Beal

Shut up and Dance by Walk the Moon

The Night is Still Young by Nicki Minaj

Don't Look Down by Martin Garrix ft Usher

Nakaapat na akong kanta pero wala pa rin si Yla at wala pa rin akong reply na narereceived sa iba kaya naman tinawagan ko na si Yla.

Calling Shiela...

"hello" sagot niya.

"Yla asan ka na? naka apat na kong Kanta sa playlist ko wala ka pa rin. Naligaw ka ba?" tanong ko.

"hindi. Wait lang inaantay ko kasi sila Cole at Nate."

"ah sila ba ang kasama mo sa building B?"

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon