"Now we're even"
Pumasok kaming walo sa detention room. Ang sasama ng tinginan namin sa isa't isa. Magkaibang row din ang pwesto namin.
"gaganti pa rin ako" bulong ni Yla
"sira ang mukha mo Rie" sabi naman ni Thena
napangiwi na lang ako tapos binigyan ng masamang tingin ang grupo nila Bianca. Kainis! ako ang grabe ang tinamo sa lahat. May lahing aswang ata si Bianca at ang hahaba ng kuko.
Napatingin kami sa pagbukas ng pinto ng detention room. Iniluwa nun si Enzo na may daladalang first aid kit.
Umupo siya sa harap ko at tsaka inilabas ang mga laman sa first aid kit.
"pumasok ka na lang. si Thena na ang bahala dyan" sabi ko at tumingin kay Thena. Tumayo naman siya para pumalit sa pwesto ni Enzo ang kaso ayaw niyang umalis sa kinauupuan niya.
"kamay" sabi niya sakin at inilahad ang sariling kamay.
Tinignan ko lang naman siya na parang tanga. Napapalingon ako sa kabilang side ng kwarto at halata na ang nag-aalab na mata ni Bianca sakin. Napapangisi na lang ako. This is my revenge bitch. sabi ko sa isip ko.
"tsss" singhal ni Enzo at siya na ang kumuha sa kamay ko.
"awts! Ano ba Enzo!" sigaw ko. Hindi man lang hinandle with care ang kamay ko. basta na lang hinatak.
"ssshhhhhhh" naman ang narinig ko sa barkada.
"dahan dahan naman. At bakit alcohol? Pwede naman betadine lang." reklamo ko.
"shit!" napamura ako dahil mahapdi talaga at hindi niya ko pinakinggan sa reklamo ko.
hinila ko na ang braso ko sa kanya, sumama tuloy ang tingin niya sakin.
"pwede ba Enzo umalis ka na lang. hindi mo na kailangang gawin to". Pwede naman kasing si Thena na lang. papapel pa kasi.
"Enzo, baby" napatingin kaming lahat sa nagsalita. Nakalapit na pala samin si Bianca ng hindi ko namamalayan.
"what?" tanong ni Enzo at kinuha na naman ang braso ko. hindi man lang niya iniangat ang tingin kay Bianca.
tiningala ko si Bianca at nakatingin siya kay Enzo. Parang maiiyak ang itsura niya. Ang sarap niyang asarin. Yung tipong makaganti man lang ako sa ginawa niya. lagot ako nito kay mommy kapag nakita ang itsura ko.
"diba sabi ni Miss David no talking? Bakit ka andito? Magpapagamot ka din ba? Alam mo kasi Bianca walang gamot si Enzo para sa may toyo sa utak" sabi ko
"Rianne!" saway ni Enzo
"bakit? totoo naman ah. bakit may gamot ka ba? Walang makakagamot sa sakit niya. Masyadong insecure e hindi naman maganda"
"what are you saying bitch?" ayan na naman siya. aawayin na naman ako. as if naman hindi ko siya papatulan. Baka nakakalimutan niya hindi pa ko nakakaganti sa mga kalmot niya.
"sorry, English ba dapat ang sinabi ko?"
"I'm not talking to you." Irap na sabi niya.
"ano yun Bianca?" tanong naman ni Enzo. this time nag-angat na siya ng tingin sa kanya.
"can we talk?" Mahinang sabi niya
"about what?"
"about what happened earlier."
"narinig ko na kina Thena at Chase ang nangyare kanina. Hindi mo na kailangang ulitin."
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...