Chapter 111: Fiesta

236 8 4
                                    

" I can't enjoy the ride while I'm on it"

Wasted ang buong barkada matapos ang birthday party ng kambal. Hindi na namin alam ang nangyare kagabi basta naging masaya naman as usual. Mas masaya nga compare sa mga nagdaang taon na nagcecelebrate kami. malaking factor kasi yung kasama namin ang mga boys.

Walang pinauweng lasing ang parents ng kambal. Natatakot silang baka may maaksidente. Open na open pa naman ang streets ngayon dahil na rin sa dame ng town activities. Gising pa ang mga tao dahil na rin sa mga bars at perya.makulay na makulay ang buong paligid lalo na sa city.

"nakakatamad bumangon" rinig kong sabi ni Thea

"ang sakit ng ulo ko" reklamo naman ni Cands.

"parang nasusuka pa rin ako" sabi naman ni Yla.

"yuck ka Yla. kagabi ka pa" sabi ko "baka buntis ka ah"

"baliw" sagot niya at tsaka bumangon. Kagabi kasi nagsuka na siya. At ang gaga after magsuka ay balik inom na naman. parang may problema pero wala naman. At itong si Mark hindi man lang inawat.

"parang umiikot ang paligid" sabi niya.

"hang-over" sabay na sabi namin ni Thena

bumangon na ako at nang tumayo ako ay bigla akong napahinto. Pakiramdam ko ay umiikot din ang paningin ko.

Tama nga si Yla, may tama pa kami.

"traydor ang alak" sabi ko at nagsimula ng maglakad papunta sa banyo. dahan-dahan lang dahil baka matumba ako. injury pa ang makuha ko.

Sa guest room nila kami lahat natulog. Ang mga boys ay umalis din ng umaga nung mga okay na sila. Hindi ko na yun namalayan dahil bagsak na ako ng mga alas tres. Hindi ko na nakayanan ang antok eh.

Naghilamos ako para mahimasmasan. Nasusuka din ang pakiramdam ko pero wala naman akong mailabas.

"Rie bilis nasusuka ako" katok ni Yla sakin.

Agad ko naman itong binuksan. Tumakbo naman siya at umupo na sa sahig katabi ng toilet bowl.

Nang magsimula siyang magsuka ay umalis na ako.

"nagsusuka?" tanong ni Cands sakin.

"yeah." Sagot ko

"ang dame kasing nainom kagabi" sabi naman ni Thena

Unang tumigil sa pag-inom si Thena. Sumunod ako nung pakiramdam ko masusuka na ako.

Hindi ko alam kung ilan pa ang naubos nila dahil tumambay na kami ni Thena sa kusina nila. Dun kami kumain ng noodles para mahimasmasan hanggang sa antukin na kami.

Mga alas kwatro na ata sila natapos.

"anong oras ba tayo aalis mamaya?" tanong ko.

"gabi na lang. gusto ko pang magpahinga" sabi ni Thea

"itutulog niyo lang ang birthday niyo?" tanong naman ni Cands. "Naku Thea! Ewan ko sayo. Epekto ba yan ng pag-indian sayo nung Waden mo"

Isa pa yun. Inabangan talaga namin ang dating daw ni Waden pero hindi naman sumipot. Nahihiya daw.

Ewan ko na ah! I doubt kung nageexist ba talaga siya.

hindi naman pinansin ni Thea ang tanong ni Cands "ano bang event sa plazuela mamaya?" yun ang naging tanong ni Thea

"coronation night ng Mutya ng Dabaw" sagot ko.

"mamaya pala yun. Akala ko ngayon ang parade of stars"

I'm into you, BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon