"Being jealous for someone who's not even yours is probably the most unexplainable feeling"
Napapangiti ako habang tinitignan ang napanalunan kong bakya.
Pagkagising ko kaninang umaga ay inayos ko sa wall ko ang pagkakalagay nun.
Inilagay ko ito malapit sa table ko sa may pinto. Gusto ko sana malapit sa taas ng kama ko para accessible kapag nakita ko si Enzo. ang kaso baka biglang mahulog at tamaan ako sa ulo.
Maganda din itong pang- display. Ang ganda kasi ng design.
Si Tita Lucy kaya nahanapan ako ng bakya sa Japan? Yun pa naman ang hiningi kong regalo.Saan ko kaya ilalagay yun kung sakali?
"Ay ipis!" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ko at ang epal na si Enzo ang iniluwa nun.
Napailing nalang siya ng makita ang obra maestra ko.
"Tanggalin mo nga yan dyan" komento niya.
"Wag mo kong simulan Enzo kung ayaw mong ngayon din mabinyagan ang bagong baby ko."
"Baby mo?"
"Yes" nakangiting sagot ko sabay tingin sa bakya ko.
"Baliw"
"Tse!" Singhal ko tsaka tumalikod.
Nag-dive ako sa kama ko at kinuha ang tablet ko.
"Tulungan mo daw si Tita mag-ayos ng gamit niya." Sabi niya.
Nabitawan ko naman agad ang tablet ko at humarap sa kanya.
"Enzo!" Maktol ko.
Kita ko naman ang pagtaas niya ng kilay. Pagtatanong na yun kung anong problema ko.
"Ayokong mag-alaga kay Margo" sabi ko.
Isang ngisi lang naman ang naging sagot niya.
"Nakakainis! Hindi ba pwedeng isama na lang nila?" Tanong ko pa.
"Naka-book na sila para bukas. Mamaya darating na sila dito. Tumawag si Mama para sabihin yun."
"Si tita Lucy?" Tanong ko
"Yep. Dali na hinahanap ka na ni tita. andun siya sa kwarto niya." sabi niya.
"Wow! Talagang nag overseas call pa si tita. Bakit hindi sila Lola ang tumawag sayo?"
"Tinawagan na ni Tita sila lola" tanging sagot niya.
"Hindi pa rin ba kayo okay?" Tanong ko. Umupo na ako ng maayos at nakatingala sa kanya.
Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Silly" sabi niya.
Nairita naman ako at lumayo sa kanya. Tumayo na ako at nagpamewang. nag-aantay ng isasagot niya.
"Ang kulit mo Yanni. Alam mo namang okay na kami. Ikaw itong hindi makamove on sa issue"
Sumimangot lang ako.
"Okay sabi mo eh. pero sino yung lagi mong kausap sa phone? tapos minsan nakasigaw or nakakunot ang noo mo?"
maganda yan Rie. isingit mo ang hindi related sa usapan niyo.
"Kausap?" Takang tanong niya.
Inirapan ko lang naman siya. maang-maangan ang gago!
"Yanni ang dame kong kausap sa phone. Sino sa kanila?" Natatawang tanong niya.
"Playboy! Jerk!" Sabi ko at umalis na ng kwarto.
BINABASA MO ANG
I'm into you, BAD GIRL
General FictionShe's a good daughter, a good friend and a good student. Totoo naman lahat ng yun, pero sa kabila ng imaheng pinapakita ay nagtatago ang pilyang pagkatao niya. Bitch, Bad girl, Party girl, Slut... named it, siya lahat yan. Lahat ng bagay na taliwas...