Ashtine Mae Sanchez
"OH MY GOD!"
Si Callea nakapagreact.
Ako...?
Napatunganga lang doon.
Iyong camera ko!
"ASHTINE! TUTUNGANGA KA LANG BA DYAN?!"
Bigla akong hinila ni bes patakbo, doon ako nagising.
"T-Teka, dahan dahan!" nagawa ko pang magreklamo, hindi kasi ako magaling sa takbuhan eh.
"Lutang ka ba?! camera mo 'yon oh!"
I know! Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa wrist ko saka tumakbo ng mas mabilis. Nakikita ko pa rin ang lalaking tumatakbo pero malayo na siya sa'min.
"HOOOOOY!!!" tawag ko doon sa magnanakaw, makita ko man lang sana ang mukha niya para ma-report sa pulis.
Pinagtitinginan na kami ni bes ng mga tao dahil sa habulang nangyayari but the hell I care! I need to get back my camera, may sentimental value sa'kin 'yon.
Nagulat pa ako noong hinila na naman ako ni bes tapos ibang ruta ang tinakbo namin.
"Bes 'yong magnanakaw!" tinatanggal ko ang kamay niya sa wrist ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya doon.
Ano bang problema niya?!
"You'll gonna thank me later bes, trust me." at nginitian pa niya ako. Mas lalong tumulin ang takbo namin, tipong sa sobrang lakas ng hangin na sinasalubong namin hindi na kami makahinga.
Nang halos bumigay na ang tuhod ko sa kakatakbo saka naman kami biglang tumigil. Saktong paghinto namin may sumalubong na kung ano sa mukha ko. Sabay kaming bumagsak sa daan.
*BLAAG*
"HULI KA!" ni hindi ko nagawang tignan si Callea nang isigaw niya iyon.
Naramdaman kong inangat ni bes ang kung sino mang taong nakabunggo sa'kin. Sandali kong ininda ang sakit na naramdaman ko sa balakang ko.
"BWAHAHAHAHA!!!"
Ha?
Nag-angat ako ng tingin. Si bes may hawak na lalaki. Yung lalaki hawak ang camera ko.
Mabilis akong umayo ako para kunin ang cam ko sa magnanakaw na iyon.
Pero ayaw bitiwan ng lalaki.

BINABASA MO ANG
Fouled Love
Chick-LitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]