Chapter 38

3.5K 45 12
                                        


Ashtine Mae Sanchez


"So sa tingin mo, kailan ang kasal?"


Napapabuntong hiningang nilingon ko si Callea. Halos lahat ng nangyari kahapon ay ikinukwento ko sa kanya ngayon. Wala naman akong ibang pagkikwentuhan kung hindi siya at si Coleen, pero wala si Coleen dahil may pasok at siya lang ang available.


Nagkibit balikat ako sa tanong niya. "Pagkapanganak? Pero tingin ko hindi pa rin kaagad mangyayari 'yon. Magsi-seventeen palang ako, eh."


"At least may improvement, may plano na ngayon. I'm happy for you, Ash."


Napangiti ako ng maluwag doon lalo na nang makita na ang genuine ng ngiti niya. 


Nasa ilang minuto kaming nanahimik. Biglang may naglaro sa utak ko.


"Si Myco..." Nilingon niya uli ako pero nanatili sa baba ang paningin ko. "Kaya hindi namin napag-uusapan ang kasal na 'yan. Kasi ..."


"Kasi ano?"


Nilingon ko muna siya bago sumagot.


"Kasi 'yung babae, bes."


"Babae?"


"Ewan ko kung tama ba 'tong nararamdaman ko na kahit nasa akin ang atensyon ni Myco nitong mga nakaraang buwan, 'yong puso niya nandoon pa rin sa babaeng una niyang minahal. Tingin ko hindi niya pa nakakalimutan 'yong babae, at iyon ang dahilan kaya kahit marami kaming oras, hindi namin napag-uusapan ang kasal. Sino ba naman kasing gugustuhing makasal sa taong hindi mo naman gusto, di'ba?"


Huminga ako ng malalim at para akong nanlumo sa sarili kong sinabi, pero kasi iyon naman ang totoo.


"Papaano ka naman nakakasigurado na iyong babae pa rin?"


"Eh papano naman ako makakasigurado na ako na?"


"Tch. Di'ba nga nagbago na siya? Mas sweet na ngayon kaysa noon?"


Nalukot ang mukha ko. "Hindi naman assurance 'yon, bes. Nagsimula siyang magbago noong muntikan na akong makunan, at alam naming pareho na naguilty siya dahil doon. Minsan nga naiisip ko na baka natatakot lang siya na maulit 'yon uli kaya naman ngayon ganyan na siya makitungo sa'kin—"


"Teka. Teka. Hindi naman kita maintindihan eh. Bakit kaya hindi mo na lang siya tanungin? Mas magandang gano'n nalang ang gawin mo."


"Alam mo naman natatakot ako."


"Duwag. Kung ako sa'yo, kung natatakot kang nalaman kung sino, edi hayaan mo na lang. I mean, 'wag ka na lang mag-isip ng kahit na ano na may kinalaman sa babae. 'Wag mo na rin isipin kung sakaling iyong babae pa nga ang mahal ni Myco."

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon