Chapter 9

4.9K 109 9
                                    


Ashtine Mae Sanchez


"Ate dito kayo oh!"

"Ano hanap nila?"

"Pogi, dito ka oh. Mura lang para sayo."


"Asan ba ang grocery dito?"

"Ambaho."

"Asan ba tayo?"


"Shut Up!" inis kong saway kay Ethan. Obviously nasa palengke kami. Ako, si Ethan at si Aila --ang president namin-- ang namamalengke. "Walang grocery dito kasi nasa palengke tayo. Mabaho dito kasi nasa palengke tayo. And lastly, nasa palengke tayo!" daig pa babae kung makareklamo, palibhasa anak mayaman.


"Tsk. Dapat talaga iba nalang ang sinama ko." napapailing na komento ni Aila habang nakatingin sa'ming dalawa.


"Dapat nga!" sabay naman naming sigaw ni Ethan sa kanya. 


Tagabayad ako, tagabili si Aila, tagabitbit naman si Ethan. Iyong tatlo pa kaming dapat kasama? Tinakasan kami. Magaling, ano? Dapat kasama ako doon sa tumakas eh.


After 30 minutes...


Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko. Asan na sila?


Great! Kakatingin ko sa mga kaliwa't kanan na binibenta dito sa palengke ay nahiwalay na 'ko sa kanila.


Tanga-tanga ako at sinamahan pa ng wala akong sense of direction, patay na! Hindi ko pa naman kabisado itong palengke. Para dagdagan pa ang kamalasan ko, pagtingin ko sa phone ko ay lowbatt na iyon, hindi ko sila matatawagan.


Mag-iikot ikot na lang muna ako, baka sakaling makita ko sila. 


Hindi pa man ako nakakalayo ng lakad nang may biglang tumawag sakin. Lingon naman ako bigla, akala ko mga kasama ko na. But to my dismay, hindi sina Aila yon.


"Miss secretaray!"


Nagulat akong makita na papalapit si Drake sa'kin. And yes si Drake. Sa likod niya nakasunod ang I think classmates niya.


Take note, puro sila lalaki. Nagulat ako nang makasalubong ko ng tingin si Myco. 


Humarap uli ako kay Drake. 


"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kahit obvious naman na namamalengke sila. Paano, ang iba sa kanila may hawak na mga plastic, iyon ata ang mga nabili na nila. At naka-uniform pa sila— lemme rephrase it — kami. Kahit naman ako nakaschool uniform pa.


Hindi ko mapigilang hindi matawa habang tinitignan ko sila isa isa. Pawisan sila lahat, tapos ang ibang boys nakasampay na 'yong polo nila sa balikat nila, bale nakasando nalang. Ang iba naman bukas na lahat ng butones ng polo nila.

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon