Andrea Coleen Miranda
December 23 at.... CHRISTMAS NA!
Next, next day syempre! Okaaay, ako na, ako lang naman ang excited here!
"Nasan na sila? Excited na 'ko ah.." hindi lang pala ako ang excited. Pati pala itong katabi ko. Si Yuri.
"Si Callea hindi sasama. Sina Myco at Mae nalang ang kulang." that's Kiel.
May nagbanggit na ba na mangangaroling kami? O ayan! Ako na ang nagbanggit.
"Tara, puntahan nalang natin sila" aya ni Drake. At iyon nga ang ginawa namin.
Since mas malapit ang bahay nina Ash mula sa meeting place namin, Si Ash muna ang dinaanan namin. Ako na rin ang naglead ng way dahil ako ang nakakaalam ng bahay nila sa'ming tatlo.
Kumatok kami at si Jessie ang lumabas.
"Ate mo, nasaan?" tanong ko. Lumapit siya samin na nakakunot ang noo.
"Ha? Wala si ate dito."
"Ha???" chorus pa kaming tatlo.
"Hindi nagsabi sa inyo 'no? Biglaan umalis eh."
"Anong alis? Saan naman nagpunta?" tanong naman ni Yuri.
"Province eh." Jessie answered.
"For?" Kiel asked.
"Vacation." she replied shortly.
"Bakit?" si Drake naman ang nagtanong.
"Rest?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang apat habang binabato nila ng tanong si Jess.
"Kailan umalis?" tanong ko naman.
"Kaninang madaling araw. lang"
"Hindi man lang nagsabi. Ang daya. Teka, bakit siya lang ang nasa province niyo? Paano ka?" tanong ko pa.
"Ayoko eh. Saka, sabi ko nga biglaan ang uwi ni ate doon. Kaya hindi na rin ako nakapagdecide kung sasama ako o hindi. May niluluto ako sa kusina, baka masunog. Kailangan ko nang bumalik sa loob, bye." paalam niya at tumango kami. Iyon lang at tumakbo na siya papasok sa loob ng bahay nila.
Naiwan kami sa labas na nagtitinginan sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
Chick-LitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]