Ashtine Mae Sanchez
"Okay lang ba, Lucero?" tanong ni coach sa taong nagprisinta.
Slowly, parang slow mo, nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.
Confirmed!
Si Myco Lucero nga.
Bigla ay parang gusto kong magpanic. Pinagpawisan ako bigla ng malamig. Kanina pa kami rito pero ngayon ko lang siya napansin. Saan siya nakapwesto?! Saka, bakit siya nandito eh kanina lang may practice rin sila. Tapos na agad?
"Maam, di'ba po practice lang po ito ng varsity players?" tanong ng isang player. Wala sa loob na lumingon ako sa nagsalita at tahimik na tumango.
Tama. At hindi naman varsity si Myco, member din siya ng tennis oo, pero hindi active player. Mas regular player siya. Ang regular players ang isinasabak kapag sportsfest. Tuwing sportsfest kasi ay hindi pwedeng maglaro sa sarili nilang game ang varsity.
Tumango si coach.
"Yeah, pero as what you've mentioned na rin, practice palang naman ito. Besides, kulang tayo sa players ngayon, so, pwede muna natin siyang ipasok" katwiran ni Coach! "Sanchez tayo na dyan." tawag pa niya sa'kin.
Coach, huhuhuhu.
Do something Ash, mapapahiya ka kung makikapaglaban ka sa kanya. Baka nga hindi mo mahawakan ang racket eh, magserve pa kaya. Captain ka, you can't afford to embarrass yourself in front of everyone, lalo na sa harap niya.
Tumakbo nalang kaya ako?
Wag, mukha naman akong tanga.
Eh kung tumanggi nalang kaya?
Wag din, wala akong maidadahilan kapag tinanong ako kung bakit.
"Coach, namumutla po ata si Ashtine."
Huh?
Nagulat ako nang may lumapit sakin.
"Okay ka lang?" tanong niya pa, si Ara. Nginitian ko siya.
"O-Oo -tumayo ako pero bigla rin akong nagsway.
"UY!"
"Ash!"
"Coach, hindi na po ata siya makakapaglaro."
"Maybe she's exhausted, paki-assist ang captain papunta sa clinic. Who wants to volunteer?" tanong ni coach sa mga kasama namin.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]