Chapter 15

4K 73 9
                                    


Ashtine Mae Sanchez


That wasn't real, right? Yung narinig ko sa CR kanina, someone planned it, right? Baka naman, sinadya nilang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Para... para... para ano?!


Ano ba! Basta hindi totoo 'yon!


Pero tanungin ko kaya si Myco? Wala namang masamang magtanong eh. Magtatanong lang naman, diba?


Pero baka ma-misinterpret niya ang itatanong ko. Baka pag-awayan na namin 'yon. Baka isipin niya na ka-bago bago lang namin hindi na agad ako marunong magtiwala sa kanya. Sinagot na niya ako kagabi nang itanong ko iyon tapos itatanong ko na naman uli?


Naman eh, kahapon lang naging kami tapos away agad? Ayaw ko no'n. Paano, hindi naman ako marunong maghandle ng ganong situation. 


Ano ba 'to. Imbis na nasa klase ako ngayon nandito ako sa may garden. I ditched the class. For the very first time since nag-aral ako. Nagditch ako dahil lang sa ka-praningan ko. 


"Uy..." someone poked me, nilingon ko naman kung sino iyon.


"Ethan? Anong ginagawa mo dito?"


"Eh ikaw?" balik tanong niya.


"Ito, nakaupo,  hindi ba obvious? Eh ikaw? Teka, tumakas ka no?"


"Hindi ah. Nagpaalam ako kay maam na lalabas."


"Alam ko na 'yan eh. Sige nga, anong oras ka nagpaalam ah?" napakamot siya ng ulo. Haha, malamang na kanina pa 'yan nagpaalam na lumabas, tapos hindi na bumalik ng room. "Tara na nga, balik na tayo ng room. Mahuli pa tayo ng SC dito eh."


"Eh ano naman, puro 3rd year, 2nd year at 1st year lang naman 'yon. Tayo pa rin ang senior, tayo ang batas—ARAY!" binatukan ko nga.


"Manahimik ka nga." saway ko sa kanya sabay tayo. Papasok nalang ako ng room. Kung trip pa niyang tumambay dyan, bahala siya.


"Uy, saan ka?"


"Room." sagot ko. Bigla naman niya akong hinila pabalik sa may bench. Nabanggit ko na ba na nasa garden kami?  O ayan, nabanggit ko na.


"Wag ka na bumalik. Boring doon, makakatulog ka lang. Tignan mo nga oh, laki ng eyebags mo." nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. "Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman sana akong titigan. Sige ka, kapag ako natunaw, mababawasan pogi dito."


"Ikaw ba yan? Bakit ang daldal mo ata?" seryoso kong tanong. And daldal niya kasi ngayon. Minsan lang 'yan ganyan, siya kasi ang tipong bukod sa pagkain eh walang ibang pinakikialaman sa mundo. May isa pa akong napansin. May pasa siya sa pisngi. "Anong nangyari dyan?" tanong ko sabay sundot sa pisngi niya. Bigla naman siyang umiwas at napangiwi.

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon