Ashtine Mae Sanchez
"Hey!"
Nagulat ako sa malakas na tapik mula sa likod ko, paglingon ko ay mukha ni Coleen ang bumungad sa'kin. Nakatayo siya sa harap ng locker niya.
"Hello, Cols." bati ko.
Bigla siyang sumimangot. "May hindi ka binabalita sa'kin."
"Ano 'yon?" takang tanong ko naman habang inaayos ang sarili kong locker. Ang gulo gulo ng loob eh.
"Si Myco pala nililigawan ka?"
Napalingon uli ako sa kanya dahil sa tanong niya, she gave me a teasing smile.
Kumunot ang noo ko, "Kasama mo si Callea lagi these past few days, di'ba? Hindi ba niya binanggit sa'yo?"
Umiling siya. Napatango ako. Sabagay, hindi naman talaga sila close ni bes eh. Kaya nga nagtataka ako kung bakit si Coleen ang sinasabayan niya tuwing lunch time.
"Anong progress? Sasagutin mo na ba?" tanong pa niya.
"Hindi ko pa napag-iisipan iyon." maiksing sagot ko. Actually that's a lie dahil halos hindi na ako makatulog sa gabi sa kakaisip kung dapat ko na ba siyang sagutin.
Isa lang naman ang sigurado ngayon, wala akong balak na bastedin siya.
Bigla kaming tinawag mula sa labas. May practice kasi kami ng tennis kaya wala kami sa klase ngayon. Si Coleen player siya ng table tennis.
"Tara na." aya ko.
"Sabihan mo ako kapag sasagutin mo na siya ah? Hihihihi. Saka pwede bang sumabay nalang kami ni Callea sa inyo tuwing lunch? Natatakot kasama si Callea, sobrang sungit. Lalo na sakin." nakangusong sumbong niya, tumango naman ako.
Sa tennis court na ako dumiretso, nagroroll call na nang dumating ako, buti hindi pa ako natatawag. Sunod ay may inintroduce sa'min na bagong member.
"Good morning, I'm Samantha Faye Lim, 3rd year high. I am a transferee and I've heard required ang bawat student na may salihang club dito so I've signed up in recreational club, specifically here in tennis. I hope pwede ko kayong maging friends lahat."
So ka-batch siya ni Jessie Gail.
After ng pakilala session ay nagstart na ang practice. 2 days nalang bago ang laro namin. Kaming mga varsity girls ang pinakapuspos sa training. Ang boys kasi 1 week pa before ang laban nila.
"ONE, TWO... SERVE! ONE, TWO... SERVE! ONE, TWO... SERVE!"
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]