Ashtine Mae Sanchez
*KRIINNG* *KRIINNG*
"Hmmm."
*KRIINNG* *KRIINNG*
*KNOCK *KNOCK*
"Ate! Kanina pa yang alarm clock!"
Inis na nagmulat ako ng mata.
Istorbo! Ang daming istorbo. Kinuha ko ang orasan saka biglang pinatay. Napansin ko naman ang wall clock.
6:39 a.m.
Nanlaki ang mata ko!
Wha— Shit! Late na 'ko!
Ginawa ko ang morning rituals nang mas mabilis kesa sa usual, nanginginig pa ang tuhod ko dahil sa kaba. Malilate na naman ako. Nagsusuklay na lumabas ako ng kwarto. Sa may kusina naabutan ko si Gail na nag-aalmusal.
"Saan ka pupunta?" tanong niya nang lampasan ko lang siya at ang almusal.
Sa kabila ng lahat ay nagawa ko pa siyang lingunin.
"Malamang aalis na, late na tayo kung di mo napapansin." nakatingin lang siya sakin, saka biglang tumawa. "Problema mo?"
Pero nakatingin lang siya sakin habang tumatawa. Ano bang problema? Humarap ako sa salamin, baka may pulbo pa ako sa mukha, o may malaking muta o kung ano man. Pero wala naman, tinignan ko rin ung uniform ko pero wala akong makita na pwedeng niyang pagtawanan.
"Seryoso Gail, late na tayo" sabi ko sabay labas ng pinto.
"Umalis ka kung late na sayo ang 6:15!" sigaw niya na nagpatigil sakin. Nalito ako bigla, paanong 6:15 palang?! Sumilip ako sa wall clock sa sala. Maaga pa nga. Saka ko lang naalala...
Tanga! Oo nga pala. Advance ang oras ko sa wall clock.
Bumalik ako sa loob saka tumabi sa kanya sa lamesa. Tahimik akong umabot ng tinapay at sumubo.
"Tumigil ka dyan." saway ko, hindi kasi siya makapagpigil sa kakatawa. Salpakan kita ng tinapay dyan eh.
"Kasi, hahahaha, halos hindi mo pa nasusuklay 'yang hahaha buhok mo tapos hahaha lalabas ka na hahaha."
Eh sa akala ko late na ako eh.
Ang bigat ng mata ko. Hindi ata ako nakatulog ng maayos. Nag-almusal na ako, mayamaya lang lumabas na ako ng bahay.
Araw-araw nakaabang sakin si Myco sa may kanto, pero ngayong araw wala siya doon. Medyo nadisappoint ako, pero baka masyado lang akong maaga. Hihintayin ko nalang siya. Tama, hintayin nalang siya, hindi naman sa lahat ng pagkakataon lalaki ang dapat laging naghihintay sa babae eh.
Time Check: 6:46 a.m.
Nababagot na ako, 7 beses ko na siyang tinext pero wala paring reply hangga—-
One new message
Fr. Myco
[Sori malelate ako ngayon, mauna kana]
What? Iyon lang 'yon? Ang dami kong text tapos mabaha pa tapos iyon lang reply? Ay bahala na nga.
Lumakad na ako papuntang school, hindi naman ako malelate kasi mga 10 minutes walk nalang ang school namin mula sa kinatatayuan ko ngayon.
***
Lunch time.
"Late ka kanina bes, bakit?" tanong ko kay Callea, nasa room kami. Sadly, First day namin ni Myco pero hindi kami magkasama. Ewan, basta nagtext siya na hindi siya makakapasok. Nang itanong ko naman kung bakit, hindi siya nagreply.
"Ay nako, nalate ng gising. Ay, hindi muna ako sasabay kumain ah. May meeting kami para sa cheerdance competition." nabanggit ko na bang cheerleader si bes?
So iyon, wala akong kasabay. Ang weird ng araw na 'to. HIndi ko nakita ang mga kabute— I mean sina Coleen, Yuri, Drake and Kiel, parang ang lungkot tuloy.
15 minutes before magbell, pumunta muna ako ng rest room. Sa loob ay may nakasabay akong dalawang students na tutok sa phones nila. Nagdiretso ako sa huling cubicle at ginawa ang dapat kong gawin.
"Tumawag si Alexi kanina, patapos na pala ang one month suspension niya."
"Hindi pa siya pwede bumalik. Naku, magwawala yun kapag malaman niyang 'yong tungkol kina Myco."
Natigilan ako sa paglabas ng cubicle nang marinig ko ang pangalan ni Myco. Hindi ako eavesdropper pero hindi ko namalayan na iyon na pala ang ginagawa ko.
"Wala naman siyang balita dito sa campus eh. Bantayan nalang natin siya."
"Tanga ka ba? Lagot tayo kay Alexi kapag sa iba niya malaman."
"Pero madadamay si Ashtine, alam mong alam natin na hindi si Ashtine ang nililigawan noon ni Myco eh. Kapag nalaman ni Alexi na may gf na si Myco. Malamang si Ashtine ang iisipin niyang dahilan kung bakit nakipagbreak sa kanya si Myco. Which is hindi naman."
"Teka, teka, tumatawag uli si Alexi."
"Sa labas mo na sagutin, baka magbell na. Tara." sunod kong narinig ang paglabas nila ng CR.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng cubicle. Natauhan lang ako nang magbell na nga talaga.
"What was that?" mahinang tanong ko sa sarili habang palabas ng CR.
_________________________________
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]