Ashtine Mae Sanchez
Sunday morning and of course, walang pasok.
Time Check: 6:45am.
Maaga talaga ako kung gumising every weekends. Nakasanayan ko na kasing mag-exercise.
Pababa palang ako ng hagdan amoy ko na agad ang pagkain sa kusina. Doon ako dumiretso, nagulat pa akong makita si Jessie na nakatayo sa harap ng kalan.
"Himala Jess, aga ata ng luto mo ngayon" puna ko.
Si Jessie tagaluto dito every weekends. Tuwing Saturday and Sunday kasi ay dalawa lang kami sa bahay. Ang kasambahay na kasama namin sa bahay ay every Monday-Friday lang ang pasok. And yes, dalawa lang kaming nakatira dito sa bahay, exclude the helper. Our mom's working overseas, ang father naman namin, hindi ko alam kung nasaan.
Sabi ni mama, patay na.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako naniniwala. Siguro kasi may faint images niya ako sa isip and I'm holding onto that.
"Aalis ako ngayon." paalam niya.
Napailing ako. "Kaya pala maagang bumangon." tumango ako. "Okay." sagot ko sa kanya, school lang naman punta niyan eh. Kumuha lang ako ng tinapay at inubos 'yon saka ako umalis.
Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin paglabas ko ng bahay, mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa naman 'yon masakit sa balat. Naglakad muna ako at nang makarating ako sa kasunod na kanto at saka ko sinalpak ang headset ko saka nagsimulang mag-jog.
Now Playing: I Will Be Here For You
Sinabayan ko ang music
"♫ ♪ I Will be here for you... Somewhere in the night
Somewhere in the night...I'll shine a light for you
Somewhere in the night...I'll be standing by, I will be here for you. . . ♫ ♪ "
Naramdaman kong may kasabay akong tumatakbo pero dahil normal lang naman na may mga nagja-jog din ng ganitong oras lalo na ganitong araw, hindi ko na pinansin iyon.
"♫ ♪ When you fee—"
"Hindi ko alam marunong ka palang kumanta."
Wala sa sariling napalingon ako sa may kanan, alam kong may nagsalita pero hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap no'n.
Paglingon ko, isang nakangiting Myco ang nakita ko...
BINABASA MO ANG
Fouled Love
Chick-LitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]