Ashtine Mae Sanchez
Bed rest. Iyon daw ang kailangan ko sabi ng doktor.
"Nak, bukas pupunta akong school mo. Kakausapin ko ang adviser niyo na hindi ka na papasok at baka hindi ka na rin maka-attend ng graduation, pero sigurado namang gagraduate ka. Iyon mga requirements na kailangan mo pang i-comply, gagawan na lang nating paraan, ha? Magpahinga ka na lang simula ngayon, okay?" Malumanay na paliwanag ni mama. Tumango ako sa kanya.
Ayoko na ring magtake risk at i-stress uli ang sarili ko, baka tuluyan nang mawala ang baby ko. Ngayon ko tuluyang naintindihan kung gaano ko dapat ingatan ang sarili.
Hinaplos niya ang buhok ko saka ako hinalikan sa noo. Hanggang ngayon ay bakas pa ang pag-aalala sa mukha ni mama at nakaramdam ako ng guilt doon. Kasabay ng pag-ayos niya ng tayo ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room kung nasaan ako at doon pumasok ang parents ni Myco.
Nauuna si tita na bakas din ang pag-aalala sa mukha.
"Ashtine, okay na ba ang pakiramdam mo? Nakausap namin ang doktor, pinayo niyang 'wag ka masyadong magkikilos, ibig sabihin hindi ka na rin pwedeng pumasok."
Tumango ako at sinalo ni mama ang pagsagot.
"Hindi na nga muna talaga, Mylene, siguro naman maiintindihan ng teacher niya 'to. Isa pa ay wala nang tatlong linggo bago matapos ang klase."
Napalingon si tito sa paligid at maya-maya ay tiningnan kami. "Nasaan si Myco?"
Dahil sa pagkabanggit kay Myco ay bigla siyang pumasok sa isip ko. Simula pagkagising kanina ay hindi ko pa siya nakikita at hindi ko alam kung nandito nga ba siya. Itinuon ko ang paningin sa kawalan.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon sa kanya. Hindi ko siya sinisisi sa nangyari. Siguro napagod na ako ng sobrang dahil sa mga ginawa ko buong araw, natagtag ata ng sobra ang katawan ko. Siguro, doon lang ako nagbreak down sa nakita ko sa rooftop.
Upon remembering it, may kumislot sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim para pawiin iyon. Narinig naman ni mama ang ginawa ko.
"Ash, may masakit sa'yo, 'nak?"
Umiling ako. "Wala po."
Tumango si mama at humarap kina tita. "Pinauwi ko muna sandali si Myco para kumuha ng ilang gamit. Kanina pa 'yon so I assume pabalik na rin siya."
May relief akong naramdaman nang marinig 'yon. So nandito siya. Wala man siya ay nakaramdam ako ng security sa fact na mamaya lang ay nandito na uli siya.
"Ash, gusto mo ba kumain? Anong gusto mo?" Tanong uli sa'kin ni mama.
"Mamaya na lang, ma" Sagot ko sa pilit na boses, para akong napaos bigla, bawat salita ko pwersado. "Pwede niyo po ba akong iupo?"
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]