Chapter 5

7.4K 126 7
                                    


Ashtine Mae Sanchez


*School bell rings*


"Gotcha!" I loudly exclaimed as I enter the room just exactly when the bell rang.


Napalingon sa'kin ang classmates ko, maging ang adviser namin na nakaupo na sa table niya at naghahandang mag-check ng attendance.


Bahagyang natawa si ma'am, "Muntikan na, Sanchez. Upo na."


"Thanks, maam!" hinihingal kong sagot habang papunta ako sa seat ko, well, kailangan pa ba i-mention na muntikan na akong ma-late?


Nag-umpisa mag-lecture ang adviser namin at history ang subject na hawak niya. 


Ang galing! Malayo ang mararating ko nito...


Malayo ang mararating ko sa panaginip.


Honor student ako but that doesn't mean I don't slack in class, madalas kung inaantok ako ay natutulog ako sa klase, basta ba hindi ako mapapansin.


Taimtim akong nakikinig sa nakapaboring na klase nang biglang humikab si Ethan, my seatmate, dahil doon ay napahikab din tuloy ako.


Ngayon na ata ako dinadalaw ng antok na hindi ko makuha-kuha kagabi dahil sa kakaisip sa mga nangyari.


Nap lang... 10 minutes. Tama, 10 minutes lang.


With that thought in mind, pasimple akong yumuko sa desk ko at pumikit.

***

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa braso ko.


"Hmmm?"


Istorbo naman oh.


"Ashtine, anong oras mo balak gumising?"


Hindi ko mabosesan ang nagtatanong pero isa ang alam ko, istorbo 'yon.


"Tapos na ba 'yung 10 minutes?" I softly murmured.


"Tapos na ang history class."


Sa wakas tapos na —


Bigla akong napatayo, at dahil bagong gising nga lang ako, hindi ko na-balance ang sarili ko kaya muntikan na akong matumba. Buti na lang nahawakan ako ni Ethan.


"Tapos na ang history class!?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya.


"Oo."


"Ibig sabihin dalawang oras akong natulog?"

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon