Ashtine Mae Sanchez
Teka! May naalala akong itanong.
"Uy Myco."
"Hmmm?"
"Sino pala si Alexi?" tanong ko. Para siyang natigilan. Mas lalo akong nacurious.
"Si Alexi? —" parang natutuliro pa niyang pag-ulit sa tanong ko. Tinignan niya ako, pero agad din nalipat sa pinto ang paningin niya nang biglang bumukas iyon, maging ako napalingon doon.
"Myco— Oh. May bisita ka pala?" may babaeng biglang pumasok. May kasunod siyang lalaki.
Kinabahan naman ako bigla. Hindi ko na kailangang itanong sa sarili ko o kay Myco kung sino sila, halata namang parents niya iyon.
"Ma, 'Pa."
Tama ako.
Napaharap ako sa parents niya. Maaliwalas naman ang mukha ng mama niya. Mukhang mabait. Ang papa naman niya, istrikto tignan.
"Girlfriend mo?" tanong ng papa niya na sa akin nakatingin
Bahagyang humarap sa'kin si Myco. "Ash, parents ko." saka siya tumingin sa parents niya. "Si Ash po, girlfriend ko." pakilala ni Myco. Nangatog bigla ang tuhod ko. Hindi ko alam kung anong gagawin sa harap nila, kung tatayo at ngingiti lang ba o lalapit para magmano o magkikiss sa cheeks katulad ng ginagawa namin kapag si mama ang darating.
First time ko 'tong maipakilala sa pamilya! And to think na kahapon lang naging kami!
Ang bilis.
Ngumiti ng maluwag ang mama niya. "Naku hija. Nice to finally meet you. Ikaw pala 'yong babaeng iyon!" naiilang na napatingin ako kay Myco.
"Yung babaeng iyon...?" tanong ko na binalik ang paningin sa mama niya.
"Oo. Yung babaeng sinasabi ni Myco na gusto niya. Actually matagal na yun eh —"
Myco interrupted her mother.
"Ma." biglang saway niya rito. Nalilito tinignan ko si Myco. Nalilito ako pero wala ako sa wisyo para mag-isip lalo na't kaharap ko ang parents niya. Hindi umabot sa ganitong point ang imagination ko noon! Quota ka na, Ashtine.
"Hija, dito ka nalang maghapunan. Magluluto na rin ako maya-maya." aya sa'kin ni Mrs. Lucero.
Ang bait niya. Parang hindi man lang siya, o sila, nagulat na may pinakilalang girlfriend ang anak nila sa kanila. Mas ako pa ang nagulat na biglaan silang makilala.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
Chick-LitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]
