Ethan Francis Sandoval
Uwian na pero maiiwan kami dito sa school dahil sa practice para sa JS. Dahil wala pa ang teachers na in-charge sa pagtuturo ng sayaw ay naisip kong umalis muna dahil nakakainip maghintay. Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay may kamay na ang agad na umagap sa braso ko.
"Hoy Ethanol, saan ka pupunta?" sita sakin ni Ashtin.
Kanina pa niya ako bantay sarado, baka raw tumakas ako.
"Sa cafeteria lang. Bibili." sagot ko habang paalis.
"Balik ka agad ha. Saka libre mo ko lollipop na green!" pahabol pa niya. Napangiti nalang ako. Minsan nag-iisip bata talaga siya, tapos ang hilig pa sa lollipop na kulay green, apple ata 'yon.
Habang papasok ng building ay may biglang sumabay sa'kin, akala ko coincedence lang kaya hindi ko na pinansin pero nang lumingon siya sa'kin ay narealize kong sinadya niyang sabayan ako.
Iyong babaeng nakita kong kasama kahapon ni Myco.
"Kawawa si Ashtine 'no? Natrauma ata sa break up nila ni Myco at nagkaphobia ata na maiwan kaya tignan mo ngayon, halos hindi ka na pakawalan."
Napalingon ako sa kanya dahil sa isang bagay na nangibabaw sa pandinig ko.
Hiwalay na sila? Kailan pa?
Tinignan ko siya ng masama dahil sa bagay na sinabi niya tungkol kay Ash.
"Lumayo ka sakin, hindi ako pumapatol sa babae but I have some exceptions."
Hindi man lang siya natakot dahil ngumisi pa siya, pero lumayo na rin siya sa'kin at naunang pumasok sa building.
Nang makabili ako ng pagkain ay agad din akong bumalik sa multi-purpose hall kung saan gaganapin ang practice. Saktong pagdating ko ang pagdating ng mga teachers at ilang sandali lang ay nagsimula na ang practice.
At matapos ang ilang oras, natapos din iyon.
"Ethan, anong oras na?" tanong ni Drake na taga-kabilang section.
"7pm." sagot ko matapos tumingin sa wrist watch.
"Putapete! Tapos umuulan pa."
Napatingin ako sa labas. Umuulan nga. Hindi ko iyon napansin kanina. Mula kung saan ay lumapit si Yuri.
"Nasaan si Ashtine?" tanong niya.
Saka ko lang naalala na kanina pa pala siya wala. Sabi niya kasi magsiCR lang siya, pero wala pa siya hanggang ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/5389436-288-k529623.jpg)
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]